top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

GF ni Edu, tanggap na… CHERRY PIE, IPINAKILALA NA NI LUIS BILANG BAGONG KAPAMILYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | January 08, 2022





Hindi lang basta tanggap ni Luis Manzano ang girlfriend ng ama niyang si Edu Manzano na si Cherry Pie Picache, itinuturing na rin ni Luis na kapamilya ang aktres.


Batay ito sa introduction ni Luis sa GF ng ama nang mag-guest sa magbabalik na I Can See Your Voice.


Ang ganda ng ngiti ni Cherry Pie nang ipakilala siya ni Luis bilang “Ang pinakabagong dagdag sa Manzano family” na ikinatuwa ng mga nasa taping.


Bukas na, January 9, ang pilot ng fourth season ng show, kaya kung gusto n'yong mapanood at mapakinggan ang intro ni Luis kay Cherry Pie at kung gusto n'yong makita ang magandang ngiti ng aktres, panoorin ang pilot ng I Can See Your Voice.


Walang problema sa kani-kanyang mga anak sina Edu at Cherry Pie dahil tanggap ang relasyon nila. Noong New Year, ang anak naman ni Cherry Pie na si Nio ang kasama ni Edu dahil sa bahay ng aktres yata nag-spend ng New Year ang BF niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page