top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

GF, 'nagsumbong' sa aktor… MADIR AT LOLA NI XIAN, PINAIYAK SI KIM

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 16, 2022



Comment ni Kim Chiu, “I’m gonna cry na!!! Thank you B,” sa post ng boyfriend na si Xian Lim ng photo nila ng kanyang mom at grandmother na may hawak na bags na galing sa House of Little Bunny, ang bag business ng aktres.


Three red heart emojis ang sagot ni Xian sa comment ni Kim.


May rasong maiyak sa tuwa si Kim dahil sinuportahan ng future mom-in-law at future grandma-in-law niya ang kanyang bag business. Nakatulong ang dalawang bags na binili ng mom at lola ni Xian para ma-sold-out ang first collection ng nasabing bag.


I-expect na nating magiging sold-out din ang second collection ng bag business ni Kim na out today.


Speaking of Xian, nagkaroon pala uli ito ng exhibit of his artworks sa Pinto Art Museum sa Antipolo, Rizal na tinawag niyang “Promises of Tomorrow.”


Sa ipinost niyang video sa Instagram, makikitang siya mismo ang nagkakabit ng kanyang paintings. Sa dami ng talents ni Xian at maraming ginagawa, hindi pa rin nito nakakalimutang suportahan si Kim. Kaya tama ang nagsasabing ang suwerte ni Kim sa boyfriend.


Still on Xian, tama ba ang balitang malapit na silang mag-resume ng taping ni Jennylyn Mercado ng series nilang Love. Die. Repeat na natigil dahil nagbuntis si Jennylyn?


Ang sabi pa, tatapusin muna ni Xian ang taping nila ni Jennylyn dahil ilang araw na lang ang natitirang taping days saka siya magte-taping ng Hearts On Ice series nila ni Ashley Ortega.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page