top of page

GF, in-unfollow na sa IG, binura pa ang mga piktyur…KIKO AT HEAVEN, 3 MONTHS LANG, HIWALAY NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2021
  • 2 min read

Updated: Sep 3, 2021

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 03, 2021


ree

Mainit ang usap-usapan sa balitang hiwalayan nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo sa social media kahapon. Although, they have yet to confirm or deny the rumor.


Nakakagulat lang dahil kamakailan lang ay proud na idinispley nina Kiko at Heaven ang super sweet na photo nila together while almost kissing sa kanilang respective socmed accounts.


At 'di ba't kelan lang nu'ng finally ay inilantad na nina Kiko at Heaven sa publiko ang tunay na status ng kanilang relasyon pagkatapos ng ilang buwang espekulasyon that there is "something" going on between them?


Say ng mga netizens, "Kaka-celebrate lang nila ng 3rd monthsary kahapon, ah. Anyare? Haha!"


"Bilis naman."


"Isang linggong pag-ibig starlet edition."


Nu'ng unang pumutok ang rumor na sila na, ongoing pa ang relasyon ni Kiko sa girlfriend niya that time na si Devon Seron. Kaya bintang ng netizens ay inagaw ni Heaven si Kiko kay Devon.


Hindi nagtagal at kinumpirma na nina Kiko at Heaven ang kanilang relasyon by posting sa socmed accounts ang piktyur nilang dalawa na magkasama. After that, panay na ang display nila ng ka-sweet-an sa mga pictures nila sa Instagram.


Nagtaka naman ang mga netizens nu'ng biglang mawala ang mga larawan sa Instagram ni Kiko. At mas naintriga pa ang mga netizens nu'ng mapansin nila na in-unfollow na ni Kiko si Heaven sa IG kahapon. Kaya, mabilis na naghinala ang mga netizens na break na sina Kiko at Heaven.


"Ano na namang paandar 'yan? Lol!"


"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Tapos na agad?!"


"Nagsawa na kaagad?!"


"Easy come, easy go."


While 'yung iba ay pinagdudahan ang real motives sa paglabas ng tsikang hiwalay na sina Heaven at Kiko.


"Promo or split? Or baka "na-hack"?"


"Asus, cheap ng style nitong dalawa. Gusto lang magpaingay para magpasikat at pa-relevant itong dalawang nega."


"Lahat ng following niya, wala na rin. So baka either promo or 'na-hack' or may eme talaga?"


Nag-react naman ang ilang netizens na may LQ (lovers' quarrel) lang ang magkasintahan.


"LQ lang ba or nahimasmasan na? Or baka nagpapapansin lang? Hmmm. Pa-effect lang 'to, malamang. Haha!"


"Mga immature. Anak ba 'to ni Gary (Estrada)? Kung anak nga, mas guwapo pa 'yung tatay. Ito, walang dating."


Hanash pa ng mga netizens ay nakikiuso lang daw si Kiko, kasi sunud-sunod ang naghihiwalay na celebrity couples ngayon.


"Sabi ko pa lang na 1 year lang itatagal pero 'di umabot, lol, pero baka nakikiuso lang 'yan."

"Sus, kakagawa lang niyan ni Paolo Contis, mainit-init pa, lol. Next guest ni Boy Abunda si Heaven."


"Kiko, gustong mag-ala-Paolo Contis 2.0."


"Dapat gumawa ng grupo 'tong si Kiko kasama sina Paolo, Gerald (Anderson) at Aljur (Abrenica). Ayaw patalo kay LJ-Pao breakup at sa pag-military nina Julia at Gerald 'yan! Gustong pag-usapan!"


Pinuna rin ng mga netizens ang past relationships ni Kiko.


"Palaging ganyan 'yan! Noon kay Barbie Forteza, tapos kay Devon (Seron)."


"Isn’t he the first BF of Julia B? I remember Julia mentioned that in one of her interviews."


Lastly, may pa-advice pa sila sa former girlfriend ni Kiko bago si Heaven na si Devon.


"Basta advice lang kay Devon if ever, ah, bawal tanga.


"Devon is silently laughing."


Ganern?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page