Gets mo 'yun, Ellen? FRIENDS NI ANDREA, HAPPY PA NA 'DI NIYA NAKATULUYAN SI DEREK
- BULGAR
- May 11, 2021
- 1 min read
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 11, 2021

Ipinagpapasalamat ng Kapuso actress na si Andrea Torres na naurong nang two weeks ang muli niyang pagteteyping sa Legal Wives.
Nakapag-celebrate pa siya ng kanyang 31st birthday last May 5 at nakasama pa ang kanyang mom na nag-celebrate ng Mother's Day last May 9. Magkakasama pa rin sila sa pagdiriwang ng 40th wedding anniversary ng kanyang parents.
Masaya at ideal ang naging pagsasama ng mga magulang ni Andrea sa loob ng apat na dekada. At hanggang ngayon ay sweet pa rin sila sa isa't isa.
Kaya naman, naging huwaran para kay Andrea ang marriage ng kanyang parents. Ito ang gusto niyang gayahin sakaling magpapakasal na siya kapag dumating ang lalaking ibibigay sa kanya ni Lord.
Sabi nga ng ilang malalapit na kaibigan ng aktres, blessing in disguise na hindi si Derek Ramsay ang kanyang nakatuluyan. Posibleng may isang "better man” na deserve niya ang darating. At magiging bahagi na lang si Derek ng masalimuot na nakaraan ni Andrea.





Comments