Gets mo ‘yun, Andrea? SIGAW NI LEREN: GOD KNOWS THE TRUTH!
ni Nitz Miralles @Bida | November 5, 2023

Nanood ng concert ni Gary Valenciano sa Music Museum sina Leren Bautista at Ricci Rivero.
Ipinost ni Leren sa kanyang IG Story ang clip na kinakanta ni Gary ang How Did You Know na may caption na: “You came at the right time in my life. God knows the truth. We don’t have to defend ourselves anymore, ang mahalaga, alam natin ang totoo. @ricciiirivero,” na para kay Ricci.
Makikita rin sa clip si Ricci na nakangiti nang tumingin sa camera and of course, hindi na naman ito nagustuhan ng mga netizens.
Dahil nasa IG Story, walang makapag-comment sa post ni Leren. Siguradong sa ibang fansite na magpo-post ng comment ang mga ‘di nagustuhan ang post ni Leren. At tiyak na marami na naman ang masasabi ng mga bashers, lalo na ang mga ayaw sa kanila ni Ricci.





Comments