top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Gerald, prinsipe lang daw… SIGAW NG NETIZEN: SI JOHN LLOYD ANG GHOSTING KING!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 10, 2021




Pinagpiyestahan ng mga Marites sa social media ang nai-post ng boyfriend ni Maja Salvador na si Rambo Nuñez na group picture ng mga taga-Crown Artist Management na kuha sa kanilang Christmas party.


Sa larawang ipinost ng BF ni Maja sa Instagram, nilagyan niya ito ng caption na: "Mi Familia de la Corona. Happy Holidays!"


Sa naturang larawan, makikita si John Lloyd Cruz na nakaakbay sa isang girl pero nakayuko at may suot na cap.


May naka-collage rin siyang picture na same position pero kita na ang mukha.

Ang girl na inakbayan ng aktor ay ang rumored girlfriend daw ni Lloydie na si Isabel Santos.


Si John Lloyd ang pinakamalaking artistang hawak ng Crown Artist Management na talent management company nina Maja at Rambo.


Curious ang mga netizens kung sino ang girl na inakbayan ni John Lloyd kaya malamang ay nag-research ang marami sa kanila.


May isang nagsabi na kaya raw mahusay sa arts si Isabel ay dahil, "Apo pala si Isabel ng isang national artist. Apo ni Malang 'yan."


Komento naman ng isa, "Madali namang magsawa si John Lloyd kaya be prepared, ghorl. Sa una, sweet, tapos makikita mo na nasa kabilang barangay na, hindi nagpapaalam."


Sagot naman ng isang netizen, "So, ibig mong sabihin, si idol ang Ghosting King at prince lang si Gerald (Anderson)?


"Sana, focus muna sa career dahil comeback, pati sa anak, saka na ang love life kapag nakapag-ipon na ulit o stable na ulit ang career."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page