top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Generals, pasok sa semis, Lady Aces, finalist na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2021
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 16, 2021





Tinapos ng Taguig Generals ang kampanya ng paboritong DF Bulacan Republicans, 105-94, at pumasok sa semifinals ng CTG National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2021 noong Linggo ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center ng San Fernando, Pampanga.


Sasamahan ng Generals ang Muntinlupa Water Warriors na naunang nakapasok sa semis matapos talunin ang Paranaque Aces noong Sabado, 103-99, at wakasan agad ang seryeng twice to beat.


Lamang lang ng lima sa unang tatlong quarter, 82-77, nagtabi ng lakas ang Taguig para biglang lumayo sa unang 5 minuto ng 4th quarter at hindi na nakabangon ang Bulacan, 97-81. Medyo pumalag ang Republicans at lumapit papasok ng last two minutes, 93-103, subalit kinapos sila sa oras sa higpit ng depensa ng Generals.


Itinanghal na Best Player si Mike Jefferson Sampurna. Ginulat ng #5 Taguig ang #4 Bulacan noong Sabado, 86-78, upang itakda ang winner take all. Sumandal ang Generals sa mga double-double at depensa nina Best Player Lerry John Mayo na 21 puntos at Jonathan Lontoc na 17 puntos.


Sunod na haharapin ng Generals ang Pampanga Delta sa best of three. Matatapat sa Water Warriors ang La Union PAOwer.


Sa kasabay na Women’s National Basketball League (WNBL), kinuha ng numero unong Paranaque Lady Aces ang unang puwesto sa best of three finals matapos parusahan ang STAN Quezon Lady Spartan, 85-53. Winalis ng Lady Aces ang seryeng best of three matapos manaig noong Sabado, 98-56, at nanatiling perpekto sa 10 laro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page