top of page
Pokwang.jpg

Gen. Danao at Gen. Sinas, pinanghingi ng “tongpats”, baka si Gen. Año na ang next niyan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2021
2 min read

Updated: Jan 8, 2021

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 7, 2021



SUPALPAL ANG INABOT NI GEN. SINAS KAY GEN. DANAO—Supalpal ang inabot ni PNP Chief Gen. Debold Sinas kay NCRPO (National Capital Regional Police Office) Director, Gen. Vicente Danao nang magpasiklab siya sa publiko na kesyo lutas na raw ang kasong rape-slay kay Christine Dacera dahil tatlo na raw ang nahuli at kilala na rin ang iba pang suspek na gumahasa at pumatay diumano sa biktima sa loob ng City Garden Hotel sa Makati City.


Sabi kasi ni Gen. Danao, hindi pa raw klaro kung sino ang nang-rape, sino ang pumatay, kung may rape na naganap at kung ano ang talagang cause ng pagkamatay, kaya’t dapat ma-clear muna para masabing solve na ang kaso, boom!


◘◘◘


HINDI DAPAT NAGSASALITA NANG TAPOS SI GEN. SINAS SA KASONG PAGKAMATAY NI CHRISTINE DACERA—Bilang PNP Chief, hindi dapat nagbibigay nang patapos na statement si Gen. Sinas lalo’t hindi pa tapos ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Christine.


Mantakin ninyong sabihin niyang solve na raw ang kaso.


Kung may naganap na rape-slay at natiklo na ang lahat ng suspek, good ‘yan kasi nabigyan ng hustisya ang biktima, pero kung walang rape-slay at totoo ang autopsy report ng medico-legal na aneurysm ikinamatay ni Christine, eh, asahan pagtatawanan na naman ng publiko si Gen. Sinas, period!


◘◘◘


NINGAS-KUGON LANG ANG PABIDA NI GEN. SINAS NA SUSUGPUIN NIYA ILLEGAL GAMBLING—Nang maupong PNP chief si Gen. Sinas, isa sa ibinida niya ay susugpuin daw niya ang illegal gambling, pero imbes masugpo, parang kabuteng nagsuulputan ang bookies ng karera at lotteng nina “Jr” at “Edmon” sa Caloocan City at lotteng nina “Mario” at “Atan” sa Malabon City, “Jun” at “Santa” sa Valenzuela City at “Leody” sa Navotas.


Dahil d’yan, lumalabas na “ningas-kugon” at pabida lang ni Gen. Sinas ang sinabi niyang susugpuin niya ang illegal gambling, buwisit!


◘◘◘


HINDI LANG SI GEN. DANAO, PATI SI GEN. SINAS ANG PINANGHIHINGI NG ‘TONGPATS’ NINA “MADAM REYNA” AT “CESAR PILOSOPO”—May impormasyon na hindi lang daw si Gen. Danao ang ipinanghihingi ng “tongpats” sa mga illegalista nina “Madam Reyna” at “Cesar Pilosopo”, kundi pati si Gen. Sinas.


Noon, NCRPO director lang, ngayon PNP chief na pinanghingi ng “tongpats”, eh, baka bukas niyan, si DILG (Dept. of Interior and Local Government) Sec. Eduardo Año na ang pinanghihingi nila ng payola, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page