GEE, UMAMING HINAMPAS NI ARCHIE NG TUMBLER SA ULO, SINUNTOK PA, RIBS, NABIYAK
- BULGAR

- 57 minutes ago
- 5 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 31, 2026

Photo: YT Ogie Diaz
“I sold my wedding ring and my engagement ring to be able to fund our family,” ito ang kuwento ni Gee Canlas sa Ogie Diaz Inspires YouTube (YT) channel nitong Sabado, Agosto 29.
Naunang nakapanayam ni Ogie ang estranged husband ni Gee na si Archie Alemania at nabanggit nitong hindi na sila magkasama ng ina ng anak niya at dalawang buwan silang hindi nagkakausap dahil na-block na siya sa lahat ng komunikasyon.
Maraming ikinuwento si Archie na sa paniniwala ni Gee ay hindi totoo dahil pinalabas na siya ang may kasalanan ng lahat at kaya siya pumayag na magpa-interview kay Ogie ay para isa-isang klaruhin ang mga isyu.
May nabanggit si Archie na dalawang buwan silang hindi nag-uusap ni Gee dahil nag-away sila kaya wala na raw itong makukuhang suporta sa kanya at ito ang kinlaro ng aktres.
“For two months he had no support, I sold my wedding ring and my engagement ring to be able to fund our family,” pagtatapat ni Gee kay Ogie.
Ang pinagmulan ng away kaya hindi sila nag-usap ay dahil gustong bilhan ni Gee ng birthday cake ang anak dahil kaarawan nito.
“It was son’s birthday, 6th birthday and pinadalhan ako ng parents ko ng money to spend for his birthday, so, I wanted to buy him a cake, I want to buy him little giveaways for his classmates, tapos the following day we were gonna have relatives to come over, tapos magluluto s’ya (Archie) ng spaghetti. Tapos, nu’ng bumaba s’ya, nagtanong s’ya kung ano’ng plano ko for Caleb’s birthday. Sabi ko, bibilhan ko ng cake. Sabi n’ya, ‘‘Wag ka nang bumili, bukas pupunta naman dito mga kamag-anak natin, mag-spaghetti na lang ako. ‘Wag ka nang gumastos.’ Sabi ko, ‘No, I want him to have little cake man lang para ma-blow n’ya.’ Kasi si Caleb, ‘di pa matatas magsalita, wala pa s’yang naiintindihan, so maiintindihan n’ya ‘pag may nag-happy birthday, magbo-blow ng candle. Tapos sabi niya, ‘Gusto mo, ikaw masunod, eh, ‘di ikaw masunod!’ Confrontational kaagad. Alam mong pupunta kayo sa away kahit pa-withdraw, very passive-aggressive. Sabi ko, ‘Ano ba’ng problema mo? ‘Di ba puwedeng kapakanan muna ng anak mo?’
“He’s too obsessed with submission. You don’t even care what’s best for your son, what’s best for your family or for me? Kasi ang biblical wives, submitted to the husband. How about the husband love your wife, nasaan ‘yun? Kaya sabi ko, ‘This is your fault.’ Tapos, sabi n’ya, ‘You’re crucifying me?’ Tapos (iniharap sa kanya ang camera), Facebook (FB) Live, habang naka-pantulog at ‘yung anak ko, nakahubad. He has done this so many times, so mastered ko na. So, ang gagawin ko, you freeze, you pretend na nag-hang para mag-doubt ang mga tao kung ano ang nangyayari.”
Isa lang ito sa mga maraming away ng mag-asawang Archie at Gee.
Ang isa sa matitinding nangyari ay nang hampasin ni Archie si Gee ng tumbler.
Pahayag ni Gee, “He was forcing me to agree with him about something, and he was telling me, ‘Magbabago ka ba?’ Magbago ka! Magbago ka! Sumagot ka, magbago ka!’ Ginaganu’n n’ya ako. And I didn’t even know what he wanted me to change. But all I knew was, sabi ko, ‘Magbabago ako, magbago ka rin!’ Kasi ‘di puwedeng ako lang ang gagawa ng paraan and carry the marriage alone. It’s never gonna work.”
Hindi nagustuhan ni Archie ang isinagot ni Gee.
Kuwento pa niya, “Nu’ng nanggigigil s’ya, I saw him. He got a tumbler, and then he went to me. He hit me on the side of my head behind the ear. Malakas, tumunog ‘yung skull ko. I heard it inside my head.”
Dagdag pa niya, “Everything I say in this interview is backed with evidence. So this is not conjecture, this is not something na sa naaalala ko lang, it has evidence.”
Isa pang ikinuwento ni Gee ay kung bakit kinailangan nilang tumira sa bahay ng magulang niya.
Aniya, “The reason we ended up staying at my parent’s house is because he broke my ribs. Two fractured ribs. I wrapped my whole body around him to stop him from leaving. He pushed me then pinuruhan n’ya ako, punch na parang boxing. Nawala ‘yung hininga ko. The next thing I know, nagising ako sa kama na naka-curl up, parang hipon.”
Habang nakatira sila sa bahay ng magulang niya, kuwento pa niya, “The whole time na ‘di kami nag-uusap, dadaan-daanan ako n’yan, lasing, uuwi 5 AM, so ‘yung sinasabi n’yang walking on eggshells, nasaan?”
At ang rason para iwan ni Gee si Archie pagkalipas ng mahigit pitong taong kasal ay nalaman niyang pupunta ito sa ibang bansa.
“He was planning a trip to New York (USA) with his friends and family, so ako (isip ko), you’re in the middle of an active case, everyone is talking about your case, gusto mo talagang mag-New York? Tapos, ‘yung plan na ‘yun supposed to be me and Caleb, (and) now he’s gonna go alone! So, habang nira-run ko ‘yung business na sinabi mo na we’ll do together and promise mo na ‘di mo ako iiwan, I was running everything, running no sleep, ‘yung tuliro ‘ko, grabe!
“So, when I found out about New York, tinext ko s’ya, ‘Pupunta ka pala ng New York, I was the one who found out last and found out about this case 12 minutes after ma-post ng ABS-CBN (news).’ ‘Di s’ya nag-reply, tapos dinaan-daanan na naman ako sa bahay.
“So, habang nag-eempake s’ya, tumawag na ako ng movers, nag-empake na rin ako, inayos ko na ang (transfer) school ng anak ko. ‘Di n’ya alam I was also preparing myself because I can’t be in an environment na where we’re not valued.
“Then tinext niya ako na, ‘Alis muna ako, balik ako for the hearing, bahala muna kayo r’yan.’ Para akong yaya, like how I would text a yaya.
“So, for my final act of love, I got all his things, inilagay ko sa kuwarto ng anak ko, tinupi ko na parang department store. Gusto ko malinis, gusto ko maayos, gusto n’ya makita n’ya na I handled things with care. One last time, I left everything — each kama, TV, microwave, ref (pigil ang luha) — kasi gusto kong makita n’ya na nag-try ako hanggang sa dulo to care for you one last.
“So, nu’ng dumating s’ya sa bahay, wala na kami.
“And the next thing I heard, (sabi ni Archie), ‘Buti na lang tapos na, buti na lang,’ ganyan-ganyan. Tapos, sabi n’ya (dati), ‘Magkapera lang ako, iiwan ko ‘yan.’ So, ano ‘yung sinasabi n’ya na he stayed for the kid? He stayed for convenience, because he has a place to stay, ‘di n’ya kailangang magbayad ng renta kasi it’s all up to me,” detalyadong kuwento ni Gee.
At sa tanong ni Ogie kung mahal pa ni Gee ang asawa, sagot niya, “I’m choosing to love myself with the same consistency and effort I give others, and I’m no longer making myself smaller for anyone. I want to show up more.
“For myself, for Caleb, for the people I love, and for the work that’s always felt like home to me. That’s the only way I can be fully me as a daughter, sister, a friend, a woman as a solo parent.”
Bukas ang BULGAR sa panig ni Archie Alemania o ng kampo niya.





Comments