Gawing abot-kamay ang sports opportunities sa mga kabataan

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | November 20, 2026

Bilang Chairman ng Senate Committee on Sports at isa ring atleta, patuloy kong isinusulong ang mga programa at batas na makatutulong sa pagpapaunlad ng sports sa ating bansa, lalo na sa grassroots level. Mahalaga ang sports dahil bukod sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan, matututunan dito ang disiplina, sipag, tiyaga, pakikisama, at paggalang sa kapwa.
Bilang isang sports enthusiast, full support ako sa ating mga atleta at sa mga kabataang Pilipino na nangangarap mabigyan ng pagkakataong makilahok sa mga palaro, magkaroon ng maayos na pagsasanay, at malinang ang kanilang kakayahan.
Noong November 10, naghain ako ng proposed Senate Resolution No. 774 upang kilalanin at parangalan ang ating mga atletang lumahok sa 5th Asian Para Games na ginanap sa Aichi-Nagoya, Japan noong October 18 hanggang 24.
Sa naturang kompetisyon, 69 na Pilipinong para-athletes ang lumahok sa 11 sports disciplines. Nakapag-uwi ang ating delegasyon ng pitong medalya na binubuo ng dalawang ginto, dalawang pilak, at tatlong tanso. Nagtapos din ang Pilipinas sa ika-17 puwesto sa kabuuang ranggo.
Ipinagmamalaki natin ang kanilang tagumpay dahil alam nating hindi madali ang maging atleta. Kailangan ng matinding pagsasanay, sakripisyo, disiplina, at determinasyon upang makipagsabayan sa mga pinakamagagaling sa buong mundo.
Noong November 11, nagkaroon din ako ng pagkakataong makasama at makausap sa aking opisina ang ilan sa ating mga kilalang personalidad sa sports. Kabilang dito si Philippine Youth Basketball Championship Commissioner at dating Philippine Basketball Association (PBA) star na si Benjie Paras, ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, ang kanyang nakababatang kapatid at kapwa gymnastics medalist na si Eldrew Yulo, kasama ang kanilang trainer na si Jossman Paul Garcia, at ang Olympic boxing silver medalist na si Carlo Paalam kasama ang kanyang coach na si Mario Fernandez.
Personal nating ipinakita ang resolusyon na inihain natin upang kilalanin ang tagumpay ng Yulo brothers at ni Carlo sa 2026 Asian Games. Sa pamamagitan nito, nais kong maipakita ang ating pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap at sa karangalang ibinibigay nila sa bansa.
Masaya akong makasama sila at makapagbigay ng pagkilala sa kanilang mga nagawa para sa Philippine sports. Mahalaga rin na mapakinggan natin ang mga karanasan at pangangailangan ng ating mga atleta upang mas maunawaan kung paano pa natin sila mas matutulungan.
Mula nang maging Chairman ako ng Senate Committee on Sports noong 2019, nakamit natin ang first-ever gold sa 2020 Tokyo Olympics at dalawang gold naman sa 2024 Paris Olympics. Tatlo na ang ating Olympic gold medals. Kaya mahalagang patuloy nating suportahan ang ating mga atletang Pilipino, lalo na't kaya nilang makipagsabayan at magtagumpay sa international stage sa tulong ng sapat na suporta mula sa gobyerno.
Isa sa mga batas kung saan naging author at co-sponsor ako ay ang Republic Act No. 11470, o ang National Academy of Sports Act, na naisabatas noong Hunyo 2020 noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ilalim nito, itinatag ang National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City, Capas, Tarlac, upang mabigyan ang mga student-athletes ng pagkakataong makapag-aral habang pinauunlad ang kanilang kakayahan sa sports.
Nais ko ring mailapit ang ganitong mga oportunidad sa mga kabataan sa iba't ibang bahagi ng bansa. Kaya sa pamamagitan ng Senate Bill No. 171, isinusulong ko ang pagpapalawak ng NAS sa mga rehiyon. Naghain din ako ng Senate Bill No. 413 upang maisabatas at maging regular na programa ang Philippine National Games.
Lagi kong sinasabi na huwag nating hintaying manalo muna ng medalya ang ating mga atleta bago natin sila bigyan ng suporta at pagkilala. Kailangan nila ang ating tulong mula sa simula ng kanilang pagsasanay hanggang sa maabot nila ang kanilang mga pangarap.
Samantala, noong November 11, personal kong binisita at tinulungan ang 223 na nasunugan sa Barangay 157, Pasay City, kasama si Barangay Captain Reynaldo Posion Flores.
Noong November 12, nagtungo rin tayo sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City upang maghatid ng tulong sa 205 na nasunugan, kasama sina Barangay Captain Marciano R. Buena-Agua Jr. at dating councilor Kate Coseteng.
Sa araw ding iyon, personal din tayong nagbigay ng tulong sa 72 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Tondo, Manila, kasama sina dating congressman John Bertiz, Councilor MC Bobby Lim, at iba pang opisyal ng barangay.
Noong November 16, personal din akong dumalo sa Pagdayeg 2026: Barangay Governance Excellence Awards sa Pangantucan, Bukidnon upang kilalanin ang mahusay na pamamahala ng mga barangay. Sa araw ding iyon, dumalo rin tayo sa turnover ng Super Health Center sa Pangantucan pa rin sa pakikipag-ugnayan kay Mayor Manolito Garces.
Noong parehong araw, nagtungo naman tayo sa Davao Oriental State University Main Campus sa Mati City, Davao Oriental upang makiisa sa pagbubukas ng Regional State Colleges and Universities Athletic Association (RSCUAA) XI Sports Meet 2026.
Noong November 17, personal din akong bumisita sa Mati City, Davao Oriental upang maghatid ng tulong sa mga health workers, tanods, functionaries, at nutrition scholars mula sa Brgy. Cabuaya, Brgy. Luban, at Brgy. Lanca, na kabilang sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) kung saan limitado ang access sa ilang pangunahing serbisyo ng gobyerno. Kasama natin sina Board Member Don Go Montojo, Board Member Jimboy Dayanghirang, Lupon Vice Mayor Atty. Chrence Go. Tayo rin po ang kauna-unahang senador na personal na nakarating sa mga nasabing barangay dahil para sa akin, mahalagang maabot natin kahit ang mga malalayong lugar upang maihatid ang tulong at serbisyong kailangan ng ating mga kababayan.
Samantala, patuloy din ang ating Malasakit Team sa paghahatid ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan, partikular sa mga nasunugan sa Malabon City at Caloocan City; Minglanilla, Cebu; Cagayan de Oro City at Lagonglong, Misamis Oriental.
Bukod dito, nakapagbigay rin tayo ng karagdagang tulong sa mga displaced workers sa Iba, Zambales, na nakatanggap din ng tulong mula sa pamahalaan para sa pansamantalang trabaho. Naghatid din ang ating Malasakit Team ng tulong sa mga displaced workers sa Naga City, Cebu; at Lipa City, Batangas.
Nakapaghatid din ng tulong ang ating Malasakit Team sa mga TESDA scholars sa Panabo City, Davao del Norte; Pagadian City, Zamboanga del Sur; at Ipil, Zamboanga Sibugay.
Bilang inyong Senator Kuya Bong Go, patuloy akong magtatrabaho sa abot ng aking makakaya upang isulong ang mga batas at programang makatutulong sa ating mga atleta at kabataang Pilipino.
Bisyo ko ang magserbisyo, at naniniwala ako na ang sports ay mahalagang bahagi ng paghubog ng mas malusog, disiplinado, at masipag na kabataang Pilipino.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.





Comments