Garcia, delikado kay Pacman
ni MC - @Sports | May 12, 2021

Makakatikim umano ng knockout si dating world champion Mikey Garcia kapag natuloy ang laban nila ni eight-division world champion Manny Pacquiao. Ayon kay strength and conditioning expert Justin Fortune, malaki ang posibilidad na ma-knockout si Garcia sakaling maikasa ang pagtutuos nila ni Pacquiao sa Hulyo o Agosto sa Dubai, United Arab Emirates.
Kahit umano malayo ang agwat ng kanilang edad ay kayang-kaya umanong patumbahin ni Pacquiao si Garcia, ayon kay Fortune. Si Garcia ay 33-anyos pa lamang habang si Pacquiao ay 42-anyos na. “Manny will knock Mikey (Garcia) out,” ani Fortune. Aminado si Fortune na malakas at mabilis din si Garcia pero iba umano ang bagsik ng kamao ni Pacquiao. "Mikey’s fast and robust. He’s not as big as (Errol) Spence. But Manny’s a different animal. It’ll be a tune-up for Manny,” wika ni Fortune.
Noong Pebrero pa nagsimula sa training si Pacquiao para paghandaan ang kanyang muling pagbabalik sa ring. Sa mga susunod na araw ay inaasahang ihahayag na ng kampo ni Pacquiao kung sino ang kanyang susunod na sasagupain.





Comments