Ganern, Rayver? PAULO, NAKIPAG-BREAK SA GF NA MODEL DAHIL KAY JANINE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 18 , 2021

Hiwalay na rin daw si Paulo Avelino at ang GF niyang modelong foreigner at may isyung dahil ito kay Janine Gutierrez.
Nauna raw silang nag-break bago ang paghihiwalay nina Janine at Rayver Cruz. At hindi itinatanggi ni Paulo na single siya ngayon.
Marami namang viewers ang nakakapansin na kakaiba ang closeness nina Janine at Paulo sa mga eksena nila sa Marry Me, Marry You.
Mag-asawa na ang role nila sa nasabing serye at mukhang komportable naman sila sa isa’t isa.
Hindi tuloy maiaalis na isipin ng mga netizens na si Paulo ang dahilan kaya nag-break sina Janine at Rayver.
Well, nang matanong naman si Lotlot de Leon ng ilang entertainment press tungkol sa umiikot na tsismis kina Janine at Paulo, nangiti na lang ang nanay ni Janine at ang tanging nasabi ay hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng kanyang dalaga.
May sapat na pag-iisip na si Janine at makakapagdesisyon na on her own.
Pero, close pa rin daw siya kay Rayver dahil napakabait nito at marespeto. At nararamdaman naman ni Lotlot na nag-e-effort si Rayver upang maayos nila ni Janine ang mga bagay-bagay sa kanilang relasyon.





Comments