Ganern, Kim? PAULO, NAGPAALAM NA BABU MUNA SA SHOWBIZ, SINOPLA, ‘DI NAMAN DAW KAWALAN
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 3, 2026

Photo: IG _pauloavelino
Hindi ikinagulat ng lahat ang naging pahayag ni Paulo Avelino na pansamantala siyang magpapahinga sa social media at hindi muna tatanggap ng anumang TV show, endorsements o pelikula.
Biro niya ay hanggang October 31 na lang siya magiging aktibo sa showbiz para maging abala sa kanyang mga video games na kinahihiligan ngayon.
Well, hindi naman sineryoso ng publiko ang naging pahayag ni Paulo. May ilang bashers pa ang nagsabing hindi naman daw mararamdaman ang pagpapahinga ng aktor. Meaning, hindi siya kawalan sa showbiz.
Pero balitang may movie sila ni Kim Chiu na A Perfect Marriage (APM), na posibleng maging bahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026. Magiging sukatan ito kung malakas pa rin ang tandem nila ng aktres at susuportahan ng mga fans.
It seems na hindi na nga makakawala pa si Paulo sa anino ng tambalan nila ni Kim. Dapat ay sumubok na rin siya na mag-solo o tumambal sa iba.
Gets mo, Jak? BARBIE, ‘DI KAYANG PATAWARIN ANG DYOWANG MANLOLOKO
IBANG-IBA ang Barbie Forteza na mapapanood ng lahat sa latest movie niyang Saving Cherry (SC) na produced ng Regal Entertainment Inc.
Kung dati raw ay nasanay ang lahat sa image ni Barbie na jologs at may pagka-komedyana, tiyak na masa-shock ang lahat ng makakapanood sa bago niyang pelikula na showing na ngayon.
Mature na ang kanyang role at may pagka-daring. Isa itong mapanghamong pagganap na hindi aakalain na kakayanin niya.
May element ng comedy ang pelikula, pero may malakas na mensahe para sa mga kababaihan.
Bukod sa drama, aliw na aliw ang mga nanood sa iba’t ibang moods o interpretation ni Barbie sa pagsasabing isa pa rin siyang ‘virgin’.
Nakita namin sa aktres sa kanyang character bilang Cherry ang paninindigan na hindi niya bibigyan ng second chance ang lalaking nag-betray ng kanyang trust.
Si Khalil Ramos ang gumanap na mister niya na nagtaksil sa araw mismo ng kanilang kasal. Hanggang sa huli ay hindi nagawang patawarin ni Cherry ang cheater niyang mister, sa kabila ng mga payo ng kanyang mga kaibigan.
In real life, mukhang ganito rin katigas ang loob ni Barbie. No second chance sa ex-BF niyang si Jak Roberto, kahit na seven years silang naging magkarelasyon.
Hirit ng aktor, alam daw ‘yun ng ex-GF…
DAHILAN NG HIWALAYAN NINA ELIJAH AT MILES, ‘DI BABAE
UPANG matigil na ang mga espekulasyon at mga blind items sa status ng kanilang relasyon, sa YouTube (YT) channel ni Ogie Diaz ay inamin na ni Elijah Canlas kung ano ang totoo sa paghihiwalay nila ng GF niyang si Miles Ocampo.
Five years din silang tumagal. Kaya nagtataka ang kanilang mga kaibigan kung bakit sila nag-break.
Ayon kay Elijah, mutual decision nila ni Miles ang kanilang paghihiwalay. Pinanindigan ng aktor na hindi siya nag-cheat at walang third party involved, at alam daw iyon ni Miles. Ayaw na lang niyang magdetalye kung ano ang tunay na dahilan.
Sey pa ni Elijah, walang sumbatan at walang bitterness sa paghihiwalay nila ng aktres. Marami silang happy memories together sa loob ng limang taon.
May ilang nagsasabing para sa kanyang career, kaya kumalas ang aktor kay Miles.
Ganunpaman, nananatiling strong ang aktres at nag-focus sa kanyang career upang madali siyang maka-move on.
Mabuti na lang at kasama siya sa Eat… Bulaga! (EB!), kaya madali siyang makakalimot.





Comments