top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ganern, James? BAGONG BF NI NADINE, GOOD INFLUENCE

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 31, 2021





Wow, nagpapatayo ng bagong bahay ang Lustre family.


Sa social media ng ama ni Nadine Lustre na si Ulysses ay kinuhanan niya ang groundbreaking ng bago nilang property.


Present si Nadine sa groundbreaking.


Masaya ang mga fans ng aktres dahil nadadalas daw ngayon ang pakikipag-bonding ng aktres sa pamilya nito.


Anila, “Napapadalas siya sa family niya. Good for her. Very good vibes 'yung new BF niya, nag-iiba ang aura ni ate mo Nadeng."


“True. Hindi niya mundo 'yung jowa niya dati, bumalik na rin siya sa family niya. I like the new Nadine.”


Isang netizen naman ang napa-“Wow! Nakadamit si Ate Nadz!”


Nag-trending kasi ang pagpuna ni 'Nay Cristy Fermin na kaya naba-bash ang katawan ni Nadine ay dahil lagi itong naka-two-piece.


“Congrats, Nadine :) Infer, wala kang masyadong appearances pero mukhang maipon kang bata at may iba't ibang business! Tuloy mo lang iha at sana, property na 'yan sa Siargao.


Mukhang hot venue 'yan sa 'Pinas ngayon.”


“Congrats! You’re blessed kasi hindi ka selfish sa family mo.”


Walang na-mention kung saang location ang bagong ipatatayong balor kaya may nagtatanong,


“In siargao?”


May sumagot, “Parang province nga 'yung lugar. I'm happy for them. Baka retirement home na rin for her parents.”


“Sa Siargao na rin ang fam?”


“Sana nga, magkatuluyan na si BF and Nadine, He is a good influence to her.”


“Good job, napapalapit na siya ulit sa family niya. Good job din sa boyfriend!”


May komento naman ang isang netizen hinggil sa pera ng aktres, “Sabi sa article na nabasa ko about her case vs Viva is wala na access 'yung Viva sa pera na naipon niya, parang ganu'n, good for her.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page