top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ganern, ‘di lang si KC?... PIOLO, UMAMING MARAMING PINALAGPAS NA KARELASYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 15, 2021





Pumasyal sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa private resort sa Batangas ni Piolo Pascual at gumawa ng vlog ang celebrity doctor para sa aktor.


Napuna ng celebrity doctor couple na nagbi-build ng ‘earth village’ ang aktor sa kanyang napakagandang lugar.


Tinanong tuloy ni Dra. Vicki kung nasaan ang kanyang “Eba” ngayon dahil he looks modern Adam daw sa kanyang earth village.


Ang sagot ni Papa P, “I just really was married to my work,” sabay sundot na dumarating siya sa point na nag-iisip na rin siyang magpakasal.


Tanong pa ni Dra. Vicki, “The one that got away?”


“Marami,” mabilis na sagot ng aktor.


Si KC Concepcion pa ang huling nakarelasyon ni Papa P. Last 2010 pa ‘yun and after that, may mga na-link sa kanya pero never naman siyang umamin.


Na-link din noon si Shaina Magdayao sa kanya at ilang taon din silang pinag-usapan. Pero, walang kumpirmasyong nanggaling sa dalawa at palagi nilang sinasabi na magkaibigan lang sila.


Ibinahagi naman ni Papa P. kung paano siya manligaw ng babae.


Aniya, “I like being traditional. I like being old school. Ligaw sa bahay. Get to know the personality first.”


Marami ang nagsasabing masuwerte ang magiging “Eba” sa buhay ni Papa P.


Naku, Madam Janiz, may hope pa pala. ‘Yun ay kung wala na sa puso mo si Dada! Joke!!! (Ako na ba ang susugod-bahay kay Papa P?! Lol! — JDN)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page