top of page
Search
BULGAR

Gamit daw sa mga date nila ni Kathryn… P6.5 M SPORTS CAR NI DANIEL NA FOR SALE, 'DI KINAGAT NI BOSS TOYO

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | January 16, 2024




Hindi na kayang maglabas pa ni Boss Toyo, ang kilalang may-ari ng Pinoy Pawnstars, ng P200 thousand para mapasakanya na ang orange Chevrolet Corvette Stingray C7 sports car na pag-aari ni Daniel Padilla.


In-upload ni Boss Toyo sa kanyang YouTube channel kahapon nang tanghali (Lunes) ang negosasyon nila ng F2A dealer na si Franz Akeem Aldover tungkol sa ibinebentang sports car ng aktor. 


Ipinost ni Aldover sa kanyang FB account na ibebenta niya ang sasakyan ni DJ.


Aniya, “Corvette ni Daniel Padilla ibebenta namin kay Boss Toyo ! Pinoy Pawnstars Let’s go! Geng geng! #F2ACARS #Garage888PH #Pinoypawnstars"


Pagbabahagi ni Boss Toyo ay tinawagan siya ng nasabing car dealer dahil may ibebenta raw sa kanya na tiyak na hindi niya mahihindian.


Ipinakita ang video ng sports car ni Daniel at ang mga dokumentong hawak ni Franz kay Boss Toyo kasama na ang car key. Nabili ito noong 2015 sa isang kaibigan ng aktor. Sa madaling salita ay second owner na si Daniel. 


Bumaba sa parking lot si Boss Toyo at ang wifey nitong si Joy para personal na makita ang magandang sasakyan ni Daniel. 


Tinanong ng Pinoy Pawnstars owner kung bakit ibinebenta ang sasakyan.


“Siguro Boss, sawa na, retired na. ‘Yan ‘yung kauna-unahang nabili niyang sports car,” sagot ng dealer. 


Umupo ang mag-asawang Boss Toyo at Joy sa sasakyan at talagang nalula sila sa ganda ng loob nito at paulit-ulit na sinasabi ng huli na feeling Kathryn Bernardo siya dahil nga sumasakay ang aktres dito.


Unang alok ng car dealer kay Boss Toyo ay P6.5 M, pero tinawaran ito ng P5.5M. 


Hirit ni Franz, “Medyo mababa, hindi kaya Boss, eh, P6.2 M.”


Sagot ulit ni Boss Toyo, “Nagbawas lang siya (Daniel) ng sasakyan? P5.6 M.” 


"Pinaka-last Boss, P6 M,” sey ni Franz.


Nakangiting bumulong ang wifey ni Boss Toyo at sabi ng huli, “P5.7 M.”


Sabi ng misis nito, “Sige na, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakaupo si Kathryn Bernardo, feeling Kathryn Bernardo ako nu’n?”


Huling hirit ni Boss Toyo, “P5.8 M!”


Sa kasalukuyan ay nasa mahigit P6M pa ang presyo ng sports car ni Daniel kaya mababa raw ang alok ni Boss Toyo na P5.8 M.


Sabi ni Boss Toyo, “Pasensiya na, hanggang P5.8 M lang ako," sabay kinamayan ang dealer. 


Natanong kung ano ang history ng nasabing sports car at ang kuwento ng kasama ni Franz, “Bale ‘yan po ang unang sports car ni Daniel at bale share sila ni Kathryn.”


“Ohh, kaya ibinebenta.  May memories pala ‘yung sasakyan na ‘yun,” sambit ni Boss Toyo na hirit naman ng asawa niya, "Nalulungkot naman ako.”


At saka niyaya na ni Boss Toyo ang wifey, “Sayang, sorry, 'lika na Labs, baka mapagastos pa ako.” 


May mga nagsabi na baka scripted lang ang usapang ito para mai-promote ang car dealer.


Anyway, baka nga talagang ayaw na ni Daniel na maalala pa ang sasakyang naging parte ng buhay nila ni Kathryn kaya niya ito ipinabebenta.


Balita kasi namin, ito ang madalas gamitin nina Daniel at Kathryn kapag nagde-date sila noon.

 

 

 

0 comments

Komentáře


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page