top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Gamit ang SMS ‘Smishing’ kalat na — NPC

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 9, 2021
1 min read

ni Lolet Abania | October 9, 2021



Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) sa publiko laban sa tinatawag na “smishing” o isang uri ng phishing sa pamamagitan ng text messages.


Sa kanyang interview sa Laging Handa ng PTV ngayong Sabado, hinimok ni NPC Commissioner Raymund Liboro ang lahat na huwag subukang i-click ang links na ipinadadala via SMS mula sa mga hindi kilalang numero.


“Itong smishing ay paraan ng mga hacker na magpadala ng mensahe via SMS at ito po ay may mga link na kung kayo ay magki-click dadalhin kayo sa isang website na maaari kayong tanungin ng dagdag pang impormasyon, ano ba ang iyong bank account number, mga password na siyang magdudulot ng sari-saring problema sa inyo kabilang diyan papasukin ang bank account ninyo at lilimasin ang inyong ipon,” paliwanag ni Liboro.


Ayon pa sa NPC chief, inaalam na ng ahensiya ang tungkol sa mga natanggap nilang mga report ng smishing hinggil sa mga contact numbers na nakukuha sa pamamagitan ng contact tracing forms.


Hinakayat naman ni Liboro ang lahat ng mga mobile phone users na agad na i-block ang mga hindi kilalang numero na nagpapadala ng mga mensahe mula sa mga kahina-hinalang links.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page