P121.8-B, nawala sa mga Pinoy dahil sa scams sa loob ng isang taon

by BRT @News | October 9, 2026

Photo: File
Tinatayang P121.8 bilyon ang nawalang pera ng mga Pilipino dahil sa iba’t ibang scam sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa 2026 report ng Global Anti-Scam Alliance (Gasa).
Batay sa ulat, 84% ng 1,160 Pilipinong lumahok sa survey ang nakaranas ng scam, mas mataas sa 77% noong 2025. Sa mga nakaengkuwentro ng scammer, 44% ang nakipag-ugnayan dito at 34% ang nawalan ng pera.
Tinatayang P10,427 ang karaniwang nawalang pera sa bawat biktima. Dahil dito, 22% ng mga nabiktima ang nagsabing hindi na nila kayang tustusan ang ilang pangunahing pangangailangan.
Pinakakaraniwan ang shopping scam, kasunod ang investment at employment scam. Facebook ang pangunahing platform kung saan nakatagpo ng scam ang mga respondent.




Comments