top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Lolet Abania | December 17, 2021



Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si John Henry Du Naga bilang Commissioner of the National Privacy Commission (NPC) para sa termino na tatlong taon, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.


Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na nilagdaan ng Pangulo ang appointment papers ni Naga noong Disyembre 14.


“We wish Mr. Naga success as we are confident that his years of professional experience in the Department of Information and Communications Technology and the NPC will contribute to our goal of a competitive, knowledge-based and innovative nation where the flow of information remains free while upholding people’s right to privacy and data protection,” sabi ni Nograles.


Bago pa naging NPC chief, si Naga ay isang lawyer na nagsisilbi bilang Deputy NPC Commissioner.


Base sa kanyang information page sa NPC website, si Naga ay in-appoint ni Pangulong Duterte bilang Department of Information and Communications Technology (DICT) Assistant Secretary noong Setyembre 2016.


Ang noo’y DICT Acting Secretary Eliseo Rio ay in-assign si Naga bilang kanyang Chief-of-Staff at itinalagang Undersecretary for Management and Operations noong Hunyo 2018.

“As the Undersecretary, he is responsible for the overall internal management of the Department,” nakasaad sa profile ni Naga.


Noong Pebrero 2019, si Naga ay itinalagang head ng Development and Innovations cluster ng DICT kung saan ito ay in charge sa pag-iimplementa ng National Broadband Plan, National Government Portal, ang Philippine Identification System (PhilSys).


Gayundin, bago ang kanyang DICT stint, nagsilbi si Naga bilang Provincial Board Member para sa dalawang termino sa lalawigan ng Masbate at dating nag-practiced ng law at humawak ng labor, telecommunication, at corporation cases.

 
 

ni Lolet Abania | October 9, 2021



Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) sa publiko laban sa tinatawag na “smishing” o isang uri ng phishing sa pamamagitan ng text messages.


Sa kanyang interview sa Laging Handa ng PTV ngayong Sabado, hinimok ni NPC Commissioner Raymund Liboro ang lahat na huwag subukang i-click ang links na ipinadadala via SMS mula sa mga hindi kilalang numero.


“Itong smishing ay paraan ng mga hacker na magpadala ng mensahe via SMS at ito po ay may mga link na kung kayo ay magki-click dadalhin kayo sa isang website na maaari kayong tanungin ng dagdag pang impormasyon, ano ba ang iyong bank account number, mga password na siyang magdudulot ng sari-saring problema sa inyo kabilang diyan papasukin ang bank account ninyo at lilimasin ang inyong ipon,” paliwanag ni Liboro.


Ayon pa sa NPC chief, inaalam na ng ahensiya ang tungkol sa mga natanggap nilang mga report ng smishing hinggil sa mga contact numbers na nakukuha sa pamamagitan ng contact tracing forms.


Hinakayat naman ni Liboro ang lahat ng mga mobile phone users na agad na i-block ang mga hindi kilalang numero na nagpapadala ng mga mensahe mula sa mga kahina-hinalang links.

 
 

ni Thea Janica Teh | November 19, 2020




Isinailalim sa lockdown ang National Police College (NPC) ngayong Miyerkules matapos magpositibo sa COVID-19 ang 77 estudyante at empleyado. Kabilang sa nagpositibo rito ay si NPC Director Romeo Magsalos na ngayon ay magaling na.


Ayon kay Retired General Ricardo De Leon, Philippine Public Safety College president, karamihan sa mga nagpositibo ay asymptomatic at kasalukuyan nang naka-isolate.


Nitong Lunes, sumailalim na ang 400 estudyante at empleyado sa mass testing. Ang mga nagnegatibo sa test ay dinala na sa National Forensics Science Training Institute sa Camp Vicente Lim.


Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang contact tracing at disinfection upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Samantala, inanunsiyo naman ni Interior Secretary Eduardo Año na magsisimula muli ang klase sa NPC sa darating na Lunes, Nobyembre 23.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page