top of page
Search
  • BULGAR

Game na game sa ex mo, Daniel… ALDEN, IKA-CANCEL LAHAT NG SCHEDULE MAKASAMA LANG ULI SI KATHRYN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 18, 2023




Ginulat ni Alden Richards ang press people kahapon sa ipinatawag niyang Christmas party for the entertainment media nang i-announce niyang isa pala siya sa co-owner ng Stardust Bar sa Makati kung saan ginanap ang event.

 

Ang bongga na talaga ni Alden, parami nang parami ang mga negosyo, bukod sa pinasok na nga rin niya ang movie and concert production through his Myriad company. Ang last project nga niya ay ang Five Breakups and a Romance with Julia Montes na isa ring blockbuster hit.

 

At sa papasok na taong 2024, busiest actor pa rin ng showbiz and movie industry si Alden dahil ibinalita niya sa aming bukod sa Pulang Araw serye nila nina Barbie Forteza, David Licauco at Sanya Lopez at sa Out of Order movie nila ni Heaven Peralejo, may naka-line-up din daw silang gawin ni Anne Curtis na isang heavy drama movie.

 

Bukod pa riyan 'yung kasunod na movie na gagawin nila ni Megastar Sharon Cuneta pagkatapos nga nitong Metro Manila Film Festival 2023 entry nilang Family of Two (A Mother and Son Story) na mula sa CineKo Productions.

 

And then, una na nga ring nasabi ni Alden sa nakaraang grand mediacon ng Family of Two na may pinag-uusapan na rin silang movie na pagsasamahan nila ng Kapamilya Primetime King na si Coco Martin na intended namang isali sa MMFF 2024.

 

Oh, devah, 'yan pa lang, 4 movies a year, ang bongga na?!

 

Pero kahit apat na movies na 'yan, tiniyak ni Alden na kapag nag-decide ang Star Cinema na magkaroon ng part 2 ang top grossing film nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye, ika-cancel daw niya ang lahat ng kanyang schedules makagawa lang uli sila ng pelikula na ididirek ni Direk Cathy Garcia.  

 

Naku, kaya 'wag na tayong magtaka kung bakit hanggang ngayon, hindi pa mabigyan ni Alden ng panahon ang kanyang love life, dahil 'ika nga niya, ang gusto niya, 'pag nagkaroon siya ng karelasyon ay ito naman ang magiging priority niya at magla-lie-low na muna siya sa kanyang showbiz career.

 

Kaya ano ba'ng gusto natin, may love life si Alden o busy siya sa showbiz?

 

Sabi nga, strike while the iron is hot at 'yan ang ginagawa ngayon ni Alden habang left and right pa ang mga offers sa kanya sa showbiz.

 

Kaya sa mga fans ni Alden, don't miss Family of Two (A Mother and Son Story) na ipapalabas na sa Dec. 25 sa mga sinehan nationwide.

 

Kagabi ay nagkaroon na ng premiere night ang movie nina Alden at Megastar Sharon sa Trinoma Cinema 7 at tsitsikahan namin uli kayo ng mga ganap sa event at sa ilang highlights sa movie na dapat abangan sa Christmas Day. 

 

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page