Galit na galit sa utol kay Nora… LOTLOT KAY IAN: SINUNGALING KA!
- BULGAR

- Jun 20
- 4 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 20, 2026

Photo: Kiko Pangilinan - IG
Binasag ni Lotlot de Leon ang kanyang pananahimik sa sigalot nila ni Ian de Leon.
Sa unang pagkakataon ay ibinuhos niya ang saloobin sa isyu nila ng kapatid ukol sa mana ng kanilang yumaong ina na si National Artist at Superstar Nora Aunor.
Pinabulaanan ni Lotlot na may sinabi sa kanila si Ian tungkol sa pagiging solong tagapagmana nito ng lahat ng ari-arian ni Nora.
Ayon kay Lotlot, “He never told us. He never shared anything at all. Wala s’yang ishinare.
“Wala s’yang sinabi. Wala s’yang ikinuwento. Hinahayaan na lang namin. Ako, tahimik na ako, eh. But I will not allow anyone to put Matet down, to put Kiko down, to put Ken down and to spread all his lies because it’s not true.
“Ikakahiya mo pa ba ang pagsisinungaling? Ikayayaman mo ba ang pang-iisa ng kapwa?
“Ang gaba ng Panginoon, Diyos ko, matakot tayo. Sa totoo lang.
“Pero ‘di na ako papayag. Enough! Enough with the lies. Enough of all of that.”
Nanahimik na lang daw si Lotlot at mga ampon din ng Superstar na sina Matet, Ken at Kiko nang sabihin ni Ian sa publiko na ipinaalam niya sa kanila ang pagiging ‘sole administrator’ niya ng Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation.
“Tahimik ako. Tahimik si Matet. Tahimik si Kiko. Tahimik si Ken. Wala na kaming sinasabi. And then, you go out on a TV show and you tell everyone na sinabi mo sa amin, which is not true,” paglilinaw ni Lotlot.
ang manonood.
Nag-girl’s night out sina Bea Alonzo at Anne Curtis last Wednesday na kumalat sa social media ang picture nila na magkasama.
May iba pang naki-join sa kanila na mga taga-showbiz that night.
Nasa picture din nina Bea at Anne sina Maris Racal, BINI Maloi at Direk Irene Villamor.
Halata sa suot na damit ni Anne na kagabi lang naganap ang kanilang pagkikita ni Bea.
Ang branded striped black and white dress ni Anne ay pareho pa rin ng suot niya sa It’s Showtime (IS) kahapon.
Duda naman ng ibang mga netizens na baka may gagawing proyekto na magkasama sina Anne at Bea under Direk Irene.
Ayon sa source namin, may meeting si Bea with her manager na si Shirley Kuan that night. Niyaya si Bea ni Anne na dumaan sa isang lugar para magkita sila pero hindi in-expect ng aktres na marami palang kasama si Anne.
And speaking of Bea, natatawa ang aming source sa kumalat na balitang in-unfollow ni Vincent Co ang aktres.
Hindi siya naniniwala na totoo ang tsikang iyon. In the first place, meron nga ba raw social media account si Vincent Co para i-follow si Bea?
Napaka-private na tao raw nito para mag-post ng kahit anong ganap sa kanyang buhay.
Unbelievable.
LOOKING forward ang singer na si Clyde Martin na makapag-perform sa mga kababayan natin na nasa ibang bansa. Magpe-perform siya kasama ang kilalang comedy trio na Beks Battalion para sa kanilang world tour this year.
Pahayag ni Clyde, “Super excited ako na makapag-perform sa mga kababayan natin abroad. Gusto kong ipakita kung sino ako at kaya kong dalhin.”
At the same time, excited din daw siya na makapag-travel.
“Para po s’yang bucket list. Na-check ko na sa bucket list ko. Nakakatuwa, nakaka-excite. Parang ang daming countries po agad for ilang months. Parang nalibot ko ang buong mundo,” kinikilig na sabi ni Clyde.
Sa August magsisimula ang world tour ng Beks Battalion na kinabibilangan nina Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez.
Ang first leg ng tour nila ay sa Australia. Ang iba pang bansa na pagtatanghalan ng Beks Battalion at ni Clyde ay sa Japan, USA at Europe.
Ang Beks Battalion ang nagha-handle ng career ni Clyde ngayon, ang Horizon Digital Management.
Dating member ng isang male group si Clyde. Nakilala niya ang isa sa Beks Battalion na si Chad sa isang gym, dahil pareho silang nagwo-workout doon.
Kaya naman, itine-train ng Beks Battalion si Clyde na mag-perform as a solo artist. Isinasama nila ito hanggang sa maging handa na siyang mag-perform nang mag-isa.
Ayon kay Clyde, “Working alongside Beks Battalion has brought a completely different energy to Clyde’s routine. He describes being around them as a constant source of good vibes.
“Sobrang gaan ng mood, ang saya, kasi para akong nanonood ng show lagi for free kapag kasama ko sila.”
Aniya pa, “Nagpapatawa sila palagi on and off cam, kaya every time na nakakasama ko sila, ang gaan sa feeling.”
Gusto rin daw ni Clyde na mag-explore pa sa kanyang solo career.
“As of now, mag-e-explore muna ako ng maraming bagay. This year, lalo na sa mga susunod na buwan, magpo-focus ako sa pag-release ng sarili kong music, mga songs. Itutuloy ko pa rin ang pagiging influencer ko. Ngayon, kasali ako sa world tour ng Beks Battalion this year,” lahad ni Clyde.
Clyde is 25 years old. Nasa fourth year na siya sa kursong Architecture sa Baguio nang magdesisyong tumigil sa pag-aaral.
“Opo, I’ll focus on moving forward. I’ll focus on what I have right now,” saad niya.
Bukod sa international tour, naghahanda na rin si Clyde para sa kanyang solo music career. Nakatakdang mag-release ng love song si Clyde na isinulat ni Calyxto Mix.
“Tungkol sa ilalabas kong song, para na rin s’yang personal story ko kasi sobrang nakaka-relate ako sa kanta. Sana, ma-appreciate ito ng mga fans,” lahad ng baguhang singer.
Bagama’t rapper din siya, aminado si Clyde na mas komportable s’yang ipakita ang kanyang husay sa pagkanta.
“Mas maganda ang vocal ko kesa mag-rap,” diretsong pahayag ni Clyde Martin.
Wow!





Comments