top of page
Search
  • BULGAR

Galit daw magsalita sa MUP 2024… ALDEN, PASIGAW MAG-HOST PARA ‘DI BORING

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 26, 2024


Showbiz Photo
File photo: Alden Richards

Para sa mga nakapanood sa nakaraang presentation ng Ms. Universe-Phils. 2024, pasado nang host sina Alden Richards at Gabbi Garcia.


Stand-out daw si Gabbi dahil ang gaganda ng mga gowns na isinuot niya sa coronation night at full of confidence ang style niya sa pagho-host.


Si Alden naman ay punumpuno ng energy at masiglang-masigla. Ang guwapo pa ng rehistro niya sa big screen.


Pero, may ilang netizens ang hindi nagustuhan ang pagho-host ni Alden dahil parang galit daw ito ‘pag tinatawag ang mga candidates.


Paliwanag naman ni Alden, ginawa lang niyang lively ang kanyang pagho-host kaya itinodo niya ang kanyang energy.


Open naman siya sa mga comments at hindi napipikon. At willing naman siyang matutunan ang tamang pagho-host ng isang beauty pageant tulad ng Ms. Universe-Phils..


Mapag-aaralan naman daw ang lahat.


Anyway, ipapalabas ang Ms. Universe-Phils. ngayong gabi sa GMA-7. Si Chelsea Manalo na isang black beauty from Bulacan ang itinanghal na Ms. Universe Phils. 2024.


 

Kung kay Anjo, muntik magpakasal… SHERYL, UMAMING ‘DI SINERYOSO SI ROMNICK 


Showbiz Photo
File photo: FB Circulation - Sheryl Cruz / IG

Maraming rebelasyon si Sheryl Cruz nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda recently.


Sumentro ang interview sa kanyang love life at sa kanyang mga naging karelasyon noong siya ay dalaga pa.


Kami mismo ay nagulat nang aminin ni Sheryl na nag-propose sa kanya noon ng kasal si Anjo Yllana at tinanggap naman daw niya ang proposal.


Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay may nabuntis si Anjo kaya hindi sila nagkatuluyan.


Nang mag-break sila ni Anjo ay pumunta ng USA si Sheryl at dito sila nagkakilala ni Norman Bustos at nagpakasal sa ‘Pinas.


Pero bago pa naging karelasyon ni Sheryl si Anjo Yllana ay naging BF din niya sina Aga Muhlach, Zoren Legaspi at Mandy Ochoa. 


‘Yung sa kanila ni Romnick Sarmenta ay hindi raw seryoso at para sa kanilang love team lamang.


Nagkahiwalay man sila ni Norman Bustos ay maganda naman ang naging agreement nila sa kanilang anak.


Ngayon ay balitang may bagong pag-ibig na si Sheryl na isang foreigner at plano niyang magbakasyon sa Turkey kasama ang bagong BF. 




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page