Galing sa TF ng endorsement… PAUL, ROLEX WATCH ANG REGALO SA SARILI
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 13, 2023

Ang laki-laki ng ipinagbago ng Kapuso actor na si Paul Salas ngayon. Bukod sa lumutang ang kanyang kaguwapuhan at karisma, nag-mature na rin ang kanyang pananaw sa maraming bagay.
Seryoso na siya sa kanyang career at looking forward na mapansin ang husay niyang umarte.
Hindi na siya ang dating Paul Salas na nalilinya lang sa mga kontrabida roles. At ang laki ng ipinagbago ng kanyang ugali.
Good influence sa kanya ang GF niyang si Mikee Quintos. Behave na si Paul Salas ngayon. Hindi na siya chickboy.
Kapansin-pansin din na makinis ang kanyang kutis ngayon. Kutis-artista na si Paul. Kaya naman, kinuha siyang male endorser ng skin care products ng BeautyWise ng JLJ Beauty Essentials.
Si Paul Salas ang first male endorser ng BeautyWise. Malaki ang tiwala ng CEO ng BeautyWise na maeengganyo ni Paul ang mga kalalakihan na alagaan ang kanilang kutis at gumamit ng skincare products.
Handang-handa na si Paul Salas na umikot sa buong 'Pinas upang i-promote ang ine-endorse niyang BeautyWise skincare products.
Sa ginanap na contract signing niya sa BeautyWise ay marami ang nakapansin sa suot na Rolex watch ni Paul Salas. Bale regalo niya ito sa kanyang sarili at galing sa TF niya bilang endorser ng BeautyWise products.
Bilang artista, kailangan na magkaroon siya ng mga mamahaling gamit. Next target ni Paul ay makapagpatayo ng bahay at mag-invest sa mga properties.





Comments