top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Future magbalae, nagkita na rin… FIRST DATE NINA RYZZA AT BIMBY, KASAMA ANG MGA NANAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 27, 2026



Team Ryzza - FB

Photo: Team Ryzza - FB



After ng pagbisita ni Kris Aquino kay Bimby Aquino sa Eat…Bulaga! (EB!) nag-dinner ang mag-ina kasama sina Ryzza Mae Dizon at ang mom nito na si Rizza Dizon at si Miles Ocampo na co-host din ng EB! at close kina Kris at Bimby.


Ang biruan ng mga netizens, nag-date raw sina Ryzza at Bimby. 

Comment naman ni Bimby, “First date kasama ‘yung mga nanay,” sabay tawa.

Sabi ng mga fans, parang meeting ‘yun ng future magbalae dahil first meeting ni Kris at mom ni Ryzza Mae.


‘Kaaliw ang tanungan nina Ryzza at Bimby, gaya ng tanong ni Ryzza kay Bimby kung nanligaw na ito, na sinagot ni Bimby ng “Oo.” 


Hindi na natanong ni Ryzza kung sino ang niligawan ni Bimby na for sure, hindi naman

nito sasabihin.


Sobrang aliw din si Kris. Sinabi niya kay Ryzza na hindi mahilig sa burger at pizza si Bimby. Kung napansin daw ni Ryzza, steak ang favorite nito. 


Sey ni Kris, “‘Di mabubuhay si Bimby sa burger at pizza,” sabay tanong kay Ryzza kung mahilig siya sa steak na sinagot nito ng “Opo.” 


Dagdag pa ni Kris, kailangang maghanap sina Bimby at Ryzza ng food na pareho nilang gusto. Nagkatawanan nang may mag-suggest ng ‘sarsyado’ na hindi yata aware si Kris kung ano. Hahaha!


Ibig sabihin nito, masusundan pa ang date nina Ryzza at Bimby na kasama pa rin si Kris at dapat daw kasama ito para mas masaya.


Malakas ang tambalan nina Bimby at Ryzza at sa Thursday episode ng EB! na araw din ng pagbisita ni Kris sa show, umabot sa 30M ang views in less than 24 hours. Mas lalo pang lalakas ang tambalan ng dalawa kapag araw-araw silang mapapanood sa EB!.



‘Pag naghiwalay pa… NADINE, AYAW NANG MAGDYOWA ULI AFTER CHRISTOPHE


STREAMING na sa Viu ang Love, Siargao (LS) series nina Alden Richards at Nadine Lustre na kinunan sa Siargao. First team-up ito ng dalawa at mapapanood din sa GMA sa mga susunod na araw. 


Tatakbo ang series ng 26 weeks kaya hindi matagal ang ipaghihintay ng mga viewers sa ending.


Sa interview ni Karen Davila kay Nadine, natanong ng broadcaster ang aktres kung posible bang ma-in love uli siya sa kanyang screen partner.


“‘Wag na! Alam mo naman ‘yan, nangyari na ‘yan. ‘Wag na nating ulitin!” paunang sagot ni Nadine.


“It’s not possible naman but I’m very happy with where I’m at and eto talaga, taga n’yo sa bato, if Chris and I break up, ayoko nang magdyowa.


“Pagod na ‘ko. But really, I told myself that. If this is not the last relationship that I will have, I’m probably going to be single for the rest of my life,” dagdag ni Nadine.


Ang Chris na tinukoy ni Nadine ay ang boyfriend na si Christophe Bariou na matagal na niyang karelasyon. Maganda ang relasyon ng dalawa, walang isyu at walang intriga, kaya bakit nga naman gugustuhin pa ni Nadine ang iba?


May ilan na hindi naniniwalang hindi na uli magbo-boyfriend si Nadine kapag nag-break sila ng BF niya ngayon kahit siniguro na niya ito. Kaya abangan na lang natin!



MARAMI pa rin ang umaasa na magkakasundo sina Ellen Adarna at Derek Ramsay para dalawa raw silang magpapalaki sa anak nilang si Lili. Dahil ito sa latest reels video na ipinost ni Derek na karga niya ang anak nila ni Ellen.


Walang caption si Derek sa post niya kung saan karga ang anak, nakipaglaro at panay ang kanyang halik.


Sey ng isang fan, “I hope you can fix your family again. You have an amazing family and a cute little baby.” 


Isa pa ang nagsabi, “Prayer to the marriage of the parental. Sayang ang aking idol, mag-hope na lang tayo.”


Kaya lang, inalala ang minsang sinabi ni Ellen Adarna na hindi na siya nakikipagbalikan sa ex niya, pero baka raw mabago ang paniniwala nito dahil sa anak nila ni Derek Ramsay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page