Fully vaxx na… Iloilo Rep. Garin, positibo sa COVID

ni Lolet Abania | August 18, 2021

Nagpositibo sa test sa COVID-19 si Iloilo 1st District Representative at dating Department of Health Secretary Janette Garin.
Sa isang statement ni Garin ngayong Miyerkules, pinayuhan siya ng kanyang doktor na sumailalim sa home quarantine dahil ang kanyang sintomas ay mild lamang gaya ng sipon, ubo, lagnat at chills.
“Despite following the minimum health protocols and being extra cautious, I tested positive for COVID-19,” ani Garin. Gayunman, sinabi ni Garin, na fully vaccinated na, na sasailalim siya sa strict monitoring dahil siya ay isang tachycardic o nagtataglay ng mabilis na heart rate.
“It is fortunate that I am fully vaccinated. I can sleep soundly with the hope that this will not be severe despite my pre-existing conditions: asthma, hypertension and Raynaud’s disease,” sabi ni Garin.
Ayon sa mambabatas, pinayuhan na rin niya ang mga naging close contacts na mag-quarantine at magbantay sakaling makaramdam ng mga sintomas. “Maraming salamat po sa lahat ng nagdarasal para sa aking kalusugan at recovery. Stay safe, everyone,” saad pa ni Garin.





Comments