top of page
Search

ni Madel Moratillo | July 4, 2023




Nakapagtala ng 2,747 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakaraang linggo.


Sa datos ng Department of Health, mula June 26 hanggang July 2, ang average na arawang kaso ng COVID sa bansa ay 392.


Mas mababa naman ito ng 20 porsyento kung ikukumpara sa naitala mula June 19 hanggang 25.


May 32 namang bagong kaso ng severe at kritikal ang naitala habang 2 ang nadagdag sa listahan ng nasawi.


Una rito, iniulat ng OCTA Research Group na bumaba na sa 6.7 percent ang COVID-19 positivity rate sa bansa nitong Hulyo 2, mas mababa nang bahagya sa 6.9% noong Hulyo 1.


Habang sa National Capital Region naman ay bumaba pa sa 4.9% ang COVID-19 positivity rate hanggang nitong Hulyo 1.


Pasok ito sa 5% threshold na itinatakda ng World Health Organization (WHO) para sa positivity rate ng COVID-19.


Maliban sa NCR, pasok na rin sa naturang threshold ang mga lalawigan ng Laguna, na mula sa dating 7.6% positivity rate noong Hunyo 24 ay nasa 5.0% na lamang nitong

Hulyo 1, at ang lalawigan ng Rizal, na mula sa dating 7.3% noong Hunyo 24 ay nasa 4.7% na lamang nitong Hulyo 1.


 
 

ni Madel Moratillo | June 27, 2023




Nakapagtala ang Department of Health ng kabuuang 3,442 bagong kaso ng COVID-19 nitong nakaraang linggo.


Sa datos ng DOH, mula Hunyo 19 hanggang 25, ang average na kaso kada araw ay 492.

Mas mababa ito ng 20 porsyento kaysa naitala mula Hunyo 12 hanggang 18.


May 37 namang naidagdag sa kaso ng severe at kritikal. Wala namang naidagdag na nasawi dahil sa virus.


 
 

ni Madel Moratillo | June 23, 2023




Positibo rin sa virus ang isa sa 30 close contacts ng unang kaso ng COVID-19 sa evacuation center sa Albay.


Ayon sa Department of Health-Bicol, nagpositibo sa RT-PCR test ang nasabing close contact. Ito ay isang 12-anyos na lalaki.


Mula simula, hindi naman ito nakitaan ng sintomas.


Inaalam na ng Local Epidemiology and Surveillance Unit kung may karagdagang close contacts ang nasabing pasyente.


Kaugnay nito, agad namang nagsagawa ng bakunahan laban sa COVID ang DOH-Bicol sa mga evacuation center sa Albay.


Hinikayat din nila ang mga residente na hindi pa bakunado o kulang ang booster shots na magpabakuna na.


Payo sa kanila, kung makaranas ng sintomas tulad ng lagnat, ubo, sipon, sore throat at iba pa, agad na magpakonsulta sa medical stations kung nasa evacuation center o pinakamalapit na pagamutan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page