Full support tayo sa atletang Pinoy!
- BULGAR

- Aug 1
- 5 min read
ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | August 1, 2025

Pinarangalan ang inyong Senator Kuya Bong Go ng Lifetime Achievement Sports Award sa ginanap na 31st So Kim Cheng Foundation Annual Sports Awards sa Davao City, nitong July 26. Bagama’t hindi natin kailangan ng mga awards, taos-puso ang ating pasasalamat sa pagkilalang ito na nagsisilbing inspirasyon upang magtrabaho para sa mga kababayan natin lalo na sa larangan ng sports.
Ang lagi nating sinasabi, may award man o wala ay patuloy tayong magtatrabaho para sa mga atletang Pilipino. Ito ang maiaalay natin bilang sukli sa karangalang hatid nila sa ating bansa, manalo man o matalo sa laban. Full support tayo sa mga atleta dahil sila ang katuwang natin sa ating adbokasiya: Get into sports and stay away from drugs to keep us healthy and fit!
Para palakasin ang grassroots sports sa bansa, patuloy nating sinusuportahan ang National Academy of Sports (NAS) na itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 11470. Tayo ay author at co-sponsor ng batas na ito. Sa NAS, puwede nang sabay ang pag-aaral at training ng ating student-athletes. Ngayong 20th Congress, inihain natin ang Senate Bill No. 171 para patuloy ipaglaban na ma-regionalize ang NAS at magkaroon ng campuses sa Visayas at Mindanao.
Prayoridad din natin ang ating para-athletes kaya inihain natin ang SBN 407 na layong dagdagan ang kanilang incentives at benepisyo. Magtatrabaho rin tayo para maging batas ang SBN 678, na layong itatag ang National Tertiary Games; at ang SBN 413 na ipinapanukala naman ang Philippine National Games o mini-Olympics na pangbansa.
Sa tulong ng mga kapwa ko mambabatas ay gusto nating hanapin, hubugin, at iangat ang mga atletang Pinoy mula sa iba’t ibang sulok ng bansa. Bilang sponsor ng sports budget sa Senado, ipinaglalaban natin ang sapat na suporta para sa training, pagkain, equipment, dormitory, at maging mental health needs ng mga atleta. Sikapin natin na wala na silang ibang iniisip kundi ang mag-focus sa training.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Sports mula 2019, proud ako sa mga nakamit ng ating atleta kabilang na ang makasaysayang unang gold medal sa 2020 Tokyo Olympics, ang dalawang gold medals sa 2024 Paris Olympics, maging ang unang championship natin sa basketball sa Asian Games sa loob ng 62 years!
Naniniwala ako na kapag nagsanib-pwersa ang gobyerno at private sector para tulungan ang ating mga atleta, marami pang mga parangal tayong mahahakot at maiuuwi sa bansa.
Samantala, naghatid ng tulong ang ating Malasakit Team sa mga kababayan nating naapektuhan ng matinding pagbaha. Nakiramay tayo at nagbigay ng kaunting tulong sa mga naulila ni Cristina Padora, isang Barangay Health Worker sa Meycauayan City, Bulacan, na nasawi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa gitna ng relief operations.
Sa Muntinlupa City, 150 residente ng Barangay Alabang ang nabigyan ng tulong sa pakikipagtulungan ni Barangay Captain Tintin Abas-Ding, habang 200 benepisyaryo mula sa Poblacion ang natulungan sa tulong ni Kap. Allen Ampaya.
Sa San Juan City, 100 katao ang nabigyan ng tulong sa tulong ni Konsehal Don Allado. Sa Las Piñas City, 200 katao ang nakatanggap ng ayuda sa tulong ni SK Chairman Mark Lapido. Sa Pasig City, 1,000 katao ang nabigyan ng tulong sa tulong ni Konsehal Ryan Enriquez. Sa Caloocan City, 100 benepisyaryo ang natulungan; sa Pasay City, 300 katao; at sa Quezon City, 300 ang nakatanggap ng ayuda sa tulong ni Konsehal Luigi Pumaren.
Sa Marikina City, 200 katao ang natulungan sa pakikipagtulungan ni KABISIG Ama Almocera. Bukod pa rito, may karagdagang tulong din sa mga residente ng Barangay Malanday sa tulong ni Konsehal Atty. Pat Sicat, at 100 katao sa Barangay Nangka sa tulong ni Ms. Rachel Yap.
Sa Bulacan, 600 residente mula sa Bustos ang nabigyan ng tulong — sa pakikipag-ugnayan kina Vice Mayor Martin Angeles at Board Member Tato Angeles. Sa Calumpit, 400 ang natulungan, sa tulong ni Mayor Lem Faustino at Konsehal Mau Torres. Bukod pa rito, 800 ang natulungan sa San Miguel sa tulong nina Vice Mayor Jhong Reyes at Konsehal Joy Chico; 500 sa Bustos kasama si Mayor Iskul Juan; 300 sa Plaridel sa tulong ni Mayor Jocell Vistan; 200 sa Guiguinto kay Konsehal Lara Ventura; 100 sa Marilao kay Kagawad Ian Victoriano; at 300 sa Obando kay Mayor Ding Valeda.
Sa Pampanga, 300 ang natulungan sa San Simon sa tulong ni Mayor JP Punsalan. Sa Minalin, umabot sa 900 ang benepisyaryo, sa pakikipagtulungan kay Mayor Philip Naguit, Vice Mayor Rondon Mercando at Ms. Rona Talavera. Sa Guagua, 400 katao ang nabigyan ng tulong sa tulong nina Barangay Captain Rowena Dinalanta at Rolly Guiam.
Sa Zambales, 400 residente ng San Antonio ang natulungan sa pakikipagtulungan ni Mayor Dr. Arvin Antipolo. Sa Cavite, 400 ang natulungan sa Bacoor City sa tulong ni Konsehal Levy Tela; 250 sa General Trias City kasama sina Mayor JonJon Ferrer, Vice Mayor Jonas Labuguen, at Board Member Morit Sison; at 320 sa Tanza sa pakikipagtulungan ni Mayor SM Matro.
Sa Laguna, 186 ang natulungan, katuwang sina DOH officers Daniella Rana sa Lumban at Mark Alcid sa Sta. Cruz, at 180 mula sa LGBT Pilipinas sa pangunguna ni Emily Evangelista sa Bay. Bukod pa rito, 122 katao ang natulungan sa San Pablo City; 25 sa Calauan; 23 sa Victoria kasama si Board Member Angelica Jones; at 100 sa Victoria sa tulong ni Konsehal Grevi Pahutan. Sa Biñan City, 581 katao ang nabigyan ng tulong sa pakikipagtulungan kina Mayor Gel Alonte at Dindo Arroyo. Sa Los Baños, 100 katao ang natulungan sa tulong ni Konsehal Jay Rolusta.
Sa Rizal, 100 katao ang natulungan sa Rodriguez sa tulong ni Jkriez Pastrana at 100 pa sa Antipolo City kay Rex Cayanong. May 300 benepisyaryo rin sa Taytay sa tulong ni Mayor Alan de Leon; 250 sa Cainta sa tulong ni Barangay Captain Janice Tecson; at 200 sa Binangonan.
Sa Metro Manila, mabilis na naipaabot ang tulong sa 300 biktima ng bagyo mula sa Barangays 187, 196, at 197 sa Tondo, Manila. Dagdag pa rito, 150 katao sa Barangay 216, Tondo ang nabigyan ng ayuda sa tulong ni Kapitan Ruel “Butchoy” Ignas. Naghatid din ng agarang tulong sa 43 biktima ng sunog sa Barangay 129, Zone 11, Balut, Tondo.
Sa Bataan, 500 katao ang natulungan sa Hermosa sa tulong ni Vice Mayor Patrick Rellosa, at 500 sa Limay sa tulong ni Mayor Richie David. Sa Tarlac, 500 katao mula sa Tarlac City at La Paz ang nabigyan ng tulong sa tulong ni Governor Christian Yap. At meron din natulungan na 500 pa sa Dagupan City, Pangasinan sa tulong ni Mayor Belen Fernandez.
Samantala, sa Visayas, 300 residente ng Ibajay, Aklan ang nabigyan ng suporta sa tulong ni Mayor Miguel Miraflores. Sa Negros Occidental, umabot sa 550 katao mula sa iba’t ibang bayan ang nakatanggap ng tulong mula sa opisina natin.
Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay ninyo sa akin para ipagpatuloy ang pagseserbisyo. Bisyo ko ang magserbisyo at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.








Comments