top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Friendship over noon dahil kay Gerald… BEA AT PIA, MAGKASAMA SA GROUFIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 31, 2023


Viral sa social media ang pagsasama-sama sa isang group picture ng mga sikat na celebrities sa isang glossy magazine anniversary event recently.


Star-studded ang naturang group picture na kinabibilangan nina Bea Alonzo, Pia Wurtzbach, Nadine Lustre, Liza Soberano and Anne Curtis. Kasama rin ang Korean rapper na si Kim Han-bin at influencers na sina Bryanboy at Bretman Rock.


Nasa event din ang It’s Showtime host na si Vice Ganda. Pero, hindi na siya nakasama pa sa “groufie” dahil maaga raw itong umalis sa event.


Nakakatuwang makita na magkasama sa isang picture sina Bea at Pia. Hindi nga ba’t nagkaisyu at balitang naging friendship over ang dalawa noon dahil kay Gerald Anderson?


And now, parehong happy na ang love life nina Bea at Pia with their respective partners. Habang si Gerald ay nananahimik ang love affair kay Julia Barretto.


Anyway, kasama ni Pia sa event ang kanyang mister na si Jeremy Jauncey. Malamang kasama rin ni Bea ang kanyang fiancé na si Dominic Roque that night. Habang si Nadine naman ay pinatunayang okey pa rin sila ng kanyang boyfriend na si Christophe Bariou.


Kaya lang, may pumansin na netizen sa tattoo ni Nadine na nakita sa picture.


“'Di ko trip ‘yung tattoo ni Nadine, parang ang dumi niya tignan diyan.”


Kinilig naman ang mga netizens kina Liza at Han-bin. Marami ang nagsabing bagay sila.


In fairness, ang ganda-ganda pa rin ni Liza, ha! Hindi siya nagpakabog sa beauty nina Pia, Bea and Anne.


Although, may netizen ang kumuwestiyon sa pagiging star ni Liza sa event.


“Makinang pa rin ba ang star ni Liza Soberano?”


Ipinagtanggol naman si Liza ng isang netizen.


“Yes! Sobrang kinang! Mapapapikit ka sa inggit.”


Kapag pinagsama-sama sina Bea, Nadine, Liza at Anne sa isang movie project, for sure, susugurin ang sinehan ng mga moviegoers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page