Friendship over… HEART AT MOND, NAG-UNFOLLOW NA SA ISA'T ISA
- BULGAR

- 40 minutes ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 24, 2026

Photo: IG _mond & _iamhearte
Hindi na online friends sina Heart Evangelista at Mond Gutierrez after nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram (IG). Hindi lang malinaw kung sino sa dalawa ang unang nag-unfollow, basta they unfollowed each other na.
Ang hindi lang maganda, pati friends nila, nadadamay sa isyu. Gaya na lang ni Isabelle Daza na nag-comment lang ng “Let’s go” sa post ni Mond ng photoshoot niya for Bilyonaryo News Channel (BNC), may umaway na.
Pati sina Korina Sanchez at Pinky Webb na kasama ni Mond sa BNC, inaway din. Iisa lang ang namba-bash sa kanila at pare-pareho ang sinasabi. Hindi masabing fan siya ni Heart dahil wala namang sinabing maka-Heart siya.
Sa IG ni Heart, wala pang umaaway kay Mond and in fact, hindi pinag-uusapan ang isyu nila. Tahimik pa ang feed nito at sana, manatiling payapa para hindi na lumaki ang isyu.
Hindi na rin naman online friends sina Heart at Mond, wala nang rason na mag-away pa ang kani-kanilang mga supporters.
Anyway, mababasa sa comment box ng post ni Mond ng photoshoot niya for BNC ang comment ng boyfriend na si Robert ‘Rob’ William na, “Can’t wait to visit the set.”
CLAUDINE, NAG-POST NG DINNER PHOTO NILA NI KITTY, TINAKOT NA MAKA-CANCEL
FRIENDS pala sina Claudine Barretto at Kitty Duterte, anak ni former President Rodrigo Duterte. Nalaman ito nang mag-post ng reels ang aktres kasama si Kitty na magkasama sila sa isang dinner.
Ang caption ng post ni Claudine ay: “With my pretty little baby sister @veronicaduterte thank you for dinner, my love.”
Sa mga comments, nalaman sa Davao nagkita sina Claudine at Kitty at dahil si Kitty ‘yun at DDS (Duterte diehard supporter) ang kasama, inatake si Claudine ng anti-Duterte camp. Dinner lang ‘yun, pero naging daan para magpuksaan ang mga DDS at non-DDS.
Tinakot pa si Claudine na maka-cancel siya dahil kay Kitty at dahil mga DDS ang kasama niya.
Actually, walang masama sa pagkikita at pakikipag-dinner ng aktres kay Kitty dahil magkaibigan sila. May nag-comment nga na dahil mabait si Claudine sa anak ni FPRRD (former President Rodrigo Duterte), gusto na nila ang aktres.
Sobrang inlab sa GF…
WILL, PINIKTYURAN SI MIKA HABANG TULOG
IN love talaga si Will Ashley kay Mika Salamanca at halos mukha ng girlfriend ang laman ng Instagram (IG) ng aktor. Promo man ng product endorsement nila or simply chilling out, laging present si Mika sa IG ni Will and of course, pati sa puso nito.
Ang latest IG Story nga ni Will, photo ni Mika na natutulog at ibig sabihin, siya ang kumuha ng picture. May overlay text na ‘You’ll be safe here’ na same sa kanta ni Rico Blanco at ginamit din niya na background music sa IG Story niya sa GF.
Sigurado na ang single ni Will na Paborito si Mika ang tinutukoy. Sila rin ang magkasama sa music video at tiyak din na special guest din ang aktres sa launch ng album ni Will na Liham. Magaganap ang album launch sa September 20 sa SM North Edsa Skydome.
Hindi na nga naghihiwalay sina Will at Mika dahil sila rin ang magkasama sa GMA Afternoon series na Delivery Boi (DB). Rom-com ito kaya tiyak maraming kilig scenes na hinihintay ng kanilang fans.
Still on Will, mukhang magpapatayo na ito ng bahay, matutupad na ang pangarap niya para sa kanyang mom. Biniro ng friends niya ang aktor na kapag natapos ang ipatatayong bahay, puwede na silang magpakasal ni Mika.





Comments