Gusto lang daw na masisi siya… ALDEN, TODO-TANGGING NANLILIGAW KAY KATHRYN
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 19, 2023

Dahil marami nga ang nagre-request ngayon ng sequel ng pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards and Kathryn Bernardo, isa sa mga naitanong sa Kapuso actor ay kung willing ba siya if ever na magkaroon nga ng offer.
Ayon kay Alden, sabihin lang sa kanya at handa siyang ipa-cancel ang iba niyang proyekto para gawin ang part 2 ng Hello, Love, Goodbye.
“Ako po, of course Hello, Love, Goodbye naman po made history and ‘yun naman din po ang gusto ng mga nakapanood, na magkaroon ng part 2.
“Ako po, ready naman ako anytime and ‘yun din naman ang sinabi ko kay Direk Cathy (Garcia-Sampana, ang direktor ng HLG). Sabi ko, ‘Direk, kapag gumawa kayo ng part 2, ika-cancel ko muna lahat ng schedule ko,” pahayag ni Alden nang makatsikahan ng entertainment press sa kanyang Thanksgiving-Christmas Party na ginanap last Sunday sa kanyang bagong bukas na Stardust Bar and Restaurant located in Jupiter St., Makati.
“But then again, that’s really up to Star Cinema kasi sila naman ‘yung producer and they own the rights of the movie,” sey pa ni Alden.
Samantala, natanong din ang aktor sa tsikang nanliligaw siya kay Kathryn at mariiin niya itong itinanggi.
“Wala pong katotohanan ‘yan. Hindi po totoo. Kasi parang ginagawan na naman ako ng issue para mapunta sa akin ‘yung blame, ‘di ba? Parang nananahimik ako, so ngayon po, wala pong ganu’n. Hindi po ‘yun totoo,” ang paglilinaw ng Kapuso actor.
Aniya pa, “I know my place in the industry and hindi po ako nakikisawsaw sa issue ng kung sino man.”
When asked kung nag-reach out na ba siya kay Kathryn after her breakup with Daniel Padilla bilang kaibigan, aniya ay hindi pa raw niya ito ginagawa.
“Hindi ko pa po nagawa. Kasi siyempre, that’s her personal and nu’ng ginagawa po namin ang Hello, Love, Goodbye, parang ‘yun din ang respect ko. Anything that has to do with that angle, ‘yung sa kanila ni Daniel, hindi po ako nakikialam.
“So I keep that oath po, and para hindi na lang din po tayo masyadong maraming. . . hindi ko na po ini-involve ‘yung sarili ko with this issue. Kasi malaki na po siya as it is,” saad ni Alden.





Comments