top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Francine, nangangatok sa kapitbahay kahit hatinggabi para mangutang ng pamasahe

BULGAR
Aug 31, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 31, 2021



Si Francine Diaz ang bagong featured ni Dra. Vicki Belo sa kanyang vlog. Siya rin ang bagong celebrity ambassador ng doktora.


Naikuwento ng young actress sa celebrity doctor-vlogger ang mga pinagdaanan nu’ng hindi pa siya nag-aartista.


Salaysay ng young actress, “Nu'ng una, gusto kong maging isang teacher. Tapos, habang tumatagal, nu'ng nagiging mature na ako, sabi ko, kailangan, 'yung malaki ang sahod ko kasi gusto ko ng malaking bahay, gusto ko ng madaming kotse, gusto ko ng maraming Barbie.


“Umaarte ako sa harap ng salamin tapos nagbi-VTR ako sa commercial. Tapos nu'ng nag-start ako magkaroon ng mga commercials, du'n ko naisip na gusto kong maging artista.


"'Yung totoong artista talaga na may teleserye ako or may movie. Du'n na nag-start. Ayaw ni Mama na mag-artista ako nu'ng una, pero pinilit ko.


“Nag-start kasi 'yun sa commercial, tapos nu'ng nagkaroon ako ng mga small roles, 'yung mga flashback as young main character, du'n ko naisip na gusto ko talaga ito, gusto ko na i-push pa.”


Bilang commercial model ay hindi raw madali ito sa kanilang mag-ina na wala ngang enough na pera para makakain sila.


“Nu'ng una sa commercial, parati kaming nangungutang ng pamasahe para makapag-VTR ako. Tapos, kailangan kaming dalawa ni Mama ang bumibiyahe papunta sa location kung saan ako magbi-VTR. Kailangan, pupunta muna kami ru'n at kakain lang ako 'pag pauwi na kami kasi tinitipid namin 'yung pamasahe.


“Ganu'n din nu'ng nagsisimula kami sa mga teleserye. Sumasabay kami sa mga service, kailangan naming gumising nang maaga kasi maaga 'yung pullout nila. Minsan, kumakatok kami sa kapitbahay namin, naalala ko, siguro 12 AM na nu'n, tapos kailangan na kailangan namin ng pera kasi 'yun 'yung time na talagang ang hirap namin, as in wala kaming kuryente, wala rin kaming masyadong food nu'n, pati ng water, tapos bagong panganak pa lang si Mama sa kapatid kong bunso.


“So nu'ng kumatok kami ng 12 midnight, nanghiram kami ng pamasahe. Binigyan nila kami kaya forever grateful kami sa kanila. Madaming tumulong. Ang daming gift ni God sa akin para maabot ko rin 'yung pangarap ko na hindi lang for myself pero para sa family ko rin,” alaalang hindi na maiaalis sa isip ng young actress.


Ngayong isa nang sikat na aktres si Francine, inamin niyang hindi pala madali ang nasa limelight.


“It’s harder than I thought, pero masaya 'yung pagkahirap niya. Kasi kapag nahihirapan ako, tapos naa-achieve ko 'yung gusto ko, parang nakakahinga ako nang maluwag. Ito pala 'yung feeling ng achievement na kailangan mo munang pagdaanan 'yung hirap bago mo masabi na na-achieve mo ito.”


At very grateful din ang aktres dahil hindi raw niya sukat-akalaing magiging celebrity endorser ng beauty clinic ni Dra. Vicki Belo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page