top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Foreign athletes, positibo sa COVID-19 sa Winter Olympics test

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | November 14, 2021





Iniulat ng China nitong Biyernes ang unang kaso ng COVID-19 na nasuri sa mga dayuhang atleta bilang preparasyon sa nalalapit na Beijing 2022 Winter Games sa Pebrero bilang unang stringent measures upang makontrol ang outbreak nito sa event.

Dalawang player ng lugers na may isang nationality ang nagpositibo, ayon kay Huang Chun, opisyal ng Games organising committee. Nailipat na ang 2 sa quarantine hotels, aniya sa news briefing sa Chinese capital. Ayon sa Beijing vice mayor, isang malaking hamon ang coronavirus sa pag-host ng bansa sa naturang Games. Kapag nagkaroon ng outbreak sa Games, malaking dagok ito sa track record ngayon ng China na napananatili ang zero-tolerance approach sa pagtalima laban sa virus.


Ang Games ay magsisimula sa Peb. 4 hanggang 20 kung saan lahat ng kalahok ay araw-araw sasailalim sa COVID-19 tests at bawal ang audience mula sa ibang bansa. Lahat ng atleta at games personnel ay mananatili lang sa "closed loop" bubble. Mag-isa lamang ang indibidwal sa silid, solong kakain at sasakay sa service vehicle.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page