top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM

Flood control scandal, posibleng yanigin pa ng mga bagong pasabog ni Manong Chavit matapos ang pag-aresto sa kanya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 13, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAPAT TIGILAN NA NI PUBLIC SCHOOL TEACHER BARRY TAYAM ANG PAG-EPAL SA BANGAYAN NG MGA SENADOR SA SENADO — Matapos ibasura ng Supreme Court (SC) ang quorum petition ni public school teacher Barry Tayam na pumapabor sa Gatchalian bloc, sinabi nitong maghahain siya ng motion for reconsideration upang hilingin sa SC na kilalaning legal ang pagkakatalaga kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President.


Hay naku, dapat nang tigilan ni Mr. Tayam ang pakikialam sa isyung ito. Hindi naman siya senador pero nakikisawsaw pa siya sa bangayan sa loob ng Senado. Boom!


XXX


DAPAT DUMULOG NA SA SC SI SEN. CAYETANO PARA HILINGIN NA MAGLABAS NA NG DESISYON KUNG SINO SA KANILA NI SEN. GATCHALIAN ANG TOTOONG HEAD NG SENADO — Sa mga media interview at maging sa kanyang vlog sa social media, madalas sabihin ni Sen. Alan Cayetano na siya pa rin ang Senate President. Ngunit ang masaklap, hindi na siya ang kinikilala ng Malacañang, ng House of Representatives, ng Land Bank of the Philippines (LBP), ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), at maging ng mga tanggapan sa Senado bilang pinuno ng Senate of the Philippines, kundi si Sen. Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President.


Dapat nang dumulog si Sen. Cayetano sa Korte Suprema at kuwestyunin ang liderato ni Sen. Gatchalian sa Senado upang tuluyan nang malutas ang isyung ito kung sino nga ba talaga sa kanilang dalawa ang tunay na pinuno ng Senate of the Philippines. Period!


XXX


DAHIL SA PAG-ARESTO SA KANYA, TIYAK NA RERESBAK SI MANONG CHAVIT PARA HUBARAN NG MASKARA ANG MGA MASTERMINDS SA FLOOD CONTROL SCANDAL — Ayon kay former Chavit Singson, hindi makapipigil ang pag-aresto sa kanya sa kasong cyberlibel upang patuloy niyang ibunyag ang mga umano’y sangkot sa flood control scandal.


Ayan na, tila lalo pang nagalit si Manong Chavit, kaya’t asahan na lamang kung ano ang magiging kasunod niyang mga rebelasyon kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project sa bansa. Boom!


XXX


KAHIT INDEPENDENCE DAY, TULOY ANG RAKET NA SMUGGLING SA CUSTOMS NG MGA SMUGGLERS — Kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng bansa ng Independence Day, may impormasyon na tuloy pa rin umano ang raket na smuggling sa Customs na kinasasangkutan ng mga grupong tinatawag na "Leah C.," "Teves Group," "Big Mama," "Tina U.," "Kimberly Gang," at "Santos Group."


Aba'y kung totoo ito, ibig sabihin ay walang holiday sa raket ng smuggling sa Customs. Mga buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page