FIVB Volleyball Nations League, lalarga sa 'Pinas
ni MC - @Sports | December 10, 2021

May 16 na koponan sa kalalakihan at kababaihan ng national teams mula sa iba't ibang dako ng daigdig ang maglalaban para sa pagdaraos sa Pilipinas ng 2022 FIVB Volleyball Nations League sa Hunyo 2022 at inanunsiyo ito noong Martes ng gabi.
Gaganapin ang mga event sa Quezon City at Pasay City kung saan sa Pasay City gagawin ang bakbakan ng walong team sa kababaihan ng Week 2 na kinabibilangan ng U.S., China, Japan, Russia, Belgium, Poland, Thailand, at Canada.
Host naman ang Quezon City ng Week 2 ng VNL Men's competition na kinabibilangan ng Japan, France, Russia, Slovenia, Argentina, Italy, Germany at The Netherlands na magsisimula ang kompetisyon sa Hunyo 21-26.
Ayon sa opisyal na competition website, ang VNL ay magbabalik tampok ang bagong dynamic format sa 2022, kung saan ang teams ay babanat sa 'pools of eight' ng preliminary rounds. Ang Brasilia at Ottawa ang host ng men's teams sa Week 1 (June 7-12), at ang Week 3 games ay idaraos naman sa Osaka, Japan at Kemerovo, Russia sa July 5-10.
Habang ang women's preliminary games open naman ay sa Shreveport-Bossier sa Louisiana at Ankara, Turkey sa Mayo 31- June 5. Ang Week 3 games ay sa Calgary, Canada at Ufa, Russia. Ang host cities ng men's at women's finals ay hindi pa inanunsiyo.





Comments