Fishing daw, Gerald… JULIA, HULING INI-STALK ANG FAN ACCOUNT NINA BEA AT DOMINIC

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 22, 2021

Usap-usapan na sinisilip umano ni Julia Barretto ang fan account nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Gaano kaya ito katotoo?
Isang fan nina Bea at Dom na may user id na @beadom_shippers ang nag-post ng: “Uy, guys tingnan n'yo, may naligaw.”
Ibinahagi niya ang mga posts na larawan ni Dom sa sarili nitong social media account kung saan nasa fandom ang pangalan ni Julia.
'Kaaliw ang komento ng mga netizens sa young actress, “Fishing si ateng...”
“Huli pero 'di kulong. Harhar!”
“This girl is so pathetic. Next!”
“Hardeharharhar matang lawin netizen in da hauz! Napindot lang daw, charoz!”
“Ganyan talaga 'pag walang project tapos 'yung jowa, meron.. sisilipin 'yung ex ng jowa at ex friend n'ya, lol.”
“Baka gusto lang mapag-usapan?”
“So, may way pala para ma-view 'yung mga nag-view sa 'yo sa Instagram? Meron din bang way sa FB? Naku, patay mga nang-i-stalk ng mga crush nila. Hahahaha!”
“Nakikipag-update siya kung sino'ng unang aamin sa kanila.”
“Bakit siya napadpad d'yan? Hindi mag-recommend ang ig sa 'yo ng ganyang accounts kung wala kang similar searches or talagang nag-search siya. Kailangan mo ba ng advice, gurl?”
“Close sina Julia and Dominic dati, right?”
“Inaantay nilang mauna mag-jowa reveal si Bea.”
“Ano kaya ang nararamdaman ni Bea. Nawi-weirdo-han siguro siya kay Julia.”
“Hahaha! OMG, Julia, ano ba 'yan?!”
“Na-Budoy!”
“Possible rin 'yung video nasa recommended feeds niya (Search tab page ng IG), tapos nag-autoplay, tapos na-capture siya as 'seen'.”
Ano naman kaya ang magiging eksplanasyon dito ni Julia gayung huli siya sa akto ng Bea-Dom fans?





Comments