First time raw… YASSI, SHOCKED NANG MAKITANG HUBO'T HUBAD SI JC
- BULGAR
- Nov 17, 2021
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 17, 2021

Natawa si Yassi Pressman nang itanong sa kanya sa virtual mediacon ng pelikulang More Than Blue kung ano ang na-feel niya nang kunan ang butt exposure ng leading man niyang si JC Santos.
Makikita kasi sa official trailer ng pelikula ang scene kung saan nakatalikod sa shower si JC na hubo’t hubad habang nasa loob din ng banyo si Yassi.
Ani Yassi na natatawa, “Never pa po akong nakakita nu’n sa co-actor ko, so it was quite shocking. But JC was very, very comfortable.”
Tawa rin naman nang tawa si JC habang nagkukuwento si Yassi.
Patuloy pa ng aktres, “So, ‘yung nakita po sa trailer, papasok po ako sa loob ng banyo and siyempre, kapag blocking po, hindi naman kailangan ‘yun, 'di ba?
“So, nu'ng take na, sinabi na ‘Okay, JC, get ready na’ ganyan, ‘Yassi, step out.’ Step-out po ako. Nakasarado po ‘yung pintuan, 'di ba? Nandito ‘yung kuwarto nina direk on the left, and then, nandu’n po siyempre ‘yung monitor nila.”
Hindi pa man siya pumapasok sa banyo ay nakita na niya sa monitor ang eksena ni JC na hubo’t hubad na nakatalikod at talagang nagulat daw siya.
Nang nag-cue na si Direk Nuel Naval na pumasok na siya sa banyo, gulat na gulat pa rin daw siya at kinailangan muna niyang huminga nang malalim bago pumasok.
“Hindi ko po talaga kaya na pumasok sa eksena. So, I had to gather myself and really breathe and just focus,” sey ni Yassi.





Comments