top of page

First time na-meet ang aktor, natakot daw… ANDREA, NAGBESO-BESO KAY EDU, SINOPLA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 26, 2026



SPECIAL - ANDREA, NAGBESO-BESO KAY EDU, SINOPLA-IG _blythe & _realedumanzano

Photo: IG _blythe & _realedumanzano



Ibang-ibang Andrea Brillantes ang mapapanood sa A Secret in Prague na eere na simula ngayong Lunes nang gabi sa TodaMax Primetime Singko ka-back-to-back ang My Bespren Emman na pinagbibidahan naman nina JM de Guzman, Shaina Magdayao at Comedy Queen Ai Ai Delas Alas.


Blonde ang hair, inglesera at fashionista ang Andrea na makakapareha ni Enrique Gil sa ASIP. Unang tambalan nila ito kaya ngayon pa lang, inaabangan na kung may chemistry din ba sila lalo na't marami rin daw kilig scenes at kissing scenes ang dalawa.


Naikuwento ni Andrea sa ginanap na mediacon ng rom-com series na nu'ng nagpunta sila sa Prague, Czech Republic, sa una ay talagang na-excite siya sa snow. Pero nu'ng gabi na raw na nagte-taping pa rin sila at nauutal na sa sobrang lamig, ‘di na raw siya na-excite sa snow na first time niyang na-experience.


Maraming bagong karanasan si Andrea sa series na ito bukod sa first time rin niyang makatrabaho ang ilan sa cast maliban kay Enrique Gil.


May kuwento nga si Andrea nang matanong kung kanino siya nai-intimidate sa cast na kinabibilangan din nina Kim Domingo, Cedrick Juan, Edu Manzano, Joel Torre, K Brosas at Ruben Maria Soriquez (gumaganap na parents ni Andrea sa ASIP), Benjie Paras, Arlene Muhlach, Queenay Mercado, Mark Ian at Carlos Agassi.


Pag-amin ni Andrea, kay Edu raw siya nai-intimidate. 

Nu'ng first time raw kasing makita niya ito sa taping nila ng ASIP, nagbeso-beso raw siya rito bilang paggalang. Lahat naman daw kasi ng kasama niya sa taping ay bineso-beso niya.


Nagulat daw siya at tila napahiya nang biglang sabihin sa kanya ni Edu na hindi ito nagpapa-beso.


Inakala ni Andrea na seryoso ang veteran actor pero biglang bumawi na nagdyo-joke lang. Kaya baka by now, kilala na ni Andrea ang ugali ni Edu na akala mo ay seryoso pero nagbibiro lang pala.


Anyway, ngayong gabi na nga magsisimula ang A Secret in Prague, 8 PM sa TV5 mula sa direksiyon nina Barry Gonzalez at Paco Sta. Maria.





Champion duet na winner sa TNT…

JAMIELLE, NAUNA NA HONEYMOON BAGO KASAL



GRABE pala ang galing ng blending ng boses ng mga Star Magic artists at Your Face Sounds Familiar Season 4 Grand Winners na sina Marielle Montellano at JM dela Cerna, na mas kilala bilang Birit Duo.


First time namin silang na-meet sa ginanap na Star Magic Spotlight press conference noong April 20, 2026 sa Dolphy Theatre, ABS-CBN. First time rin naming nasaksihan kung gaano kaganda ang mga boses nila at kung gaano sila kagagaling na singers na kahit acapella ang duet nila, pak na pak!


Bigla nga naming naalala sa kanila sina Concert King Martin Nievera at Concert Queen Pops Fernandez na lovers noon at swak na swak ang tandem kahit sa concert stage.


Hindi lang din kasi pang-camera ang tandem ng JMielle kundi magdyowa rin sila in real life.


Inamin nilang two years na ang kanilang relasyon at malaking bagay daw sa kanilang pareho na bukod sa partnership nila onscreen ay lovers din sila offscreen dahil mas nagkakaintindihan daw sila at napapadali ang kanilang trabaho.


Although, kahit kilala sila bilang JMielle, tumatanggap din naman daw sila ng mga solo engagements kapag may offer.


Kamakailan ay nag-Thailand daw sila at ‘yun ang first trip nila abroad as a couple, pero kasama naman daw ang sister ni Marielle.


When asked kung may balak na rin silang magpakasal, malayo pa raw ‘yun sa mga plano nila dahil career ang kanilang priority ngayon.


Samantala, ibinahagi ng dalawa  kung paano nagsilbing turning point ang mabusisi at matinding kompetisyon sa kani-kanilang career.


Para kay JM dela Cerna, higit pa sa panggagaya ng icons ang naging journey niya sa YFSF, naging isa itong mahalagang lesson sa pagkuha ng risks pagdating sa entablado. 


Kilala sa kanyang technical precision, inamin ni JM na tinulungan siya ng show na lumabas sa kanyang shell at yakapin ang mga hindi inaasahang hamon.


Siguro ‘yung pinakanakapagpa-realize sa akin is that the greatest risk is not taking any risk at all, ‘yun po yung napulot ko talaga after Your Face Sounds Familiar,” kuwento ni JM nang tanungin tungkol sa pinakamahalagang aral na kanyang nakuha sa show.


Nakahanap naman ng mas malalim na purpose si Marielle Montellano sa pamamagitan ng kompetisyon. Bukod sa prosthetic makeup at mabusising costumes, natuklasan niya na ang tunay na puso ng bawat performance ay nakasalalay sa emotional connection sa audience.


Being part of Your Face pushed me to become more intentional, not just with my music,” ani Marielle. “Hindi lang siya basta-basta na ‘and’yan lang tapos kakantahin mo as is. Dapat pala, you put your heart into it, your soul, and how I connect with the audience as well, ” sabi ni Marielle.


Mula sa kanilang iconic "Iconator" moments hanggang hirangin bilang grand winners ng YFSF, pinatunayan ng tambalang JMielle na isa silang multifaceted performers. Patuloy ang transformation ng Birit Duo sa  kanilang upcoming concert na JMIELLE: Sings The Icons ngayong May 29, 2026, sa SM North EDSA Skydome.


Para sa iba pang updates, i-follow ang @starmagicphils sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page