First time lalabas sa katapat ng Dos… JOHN LLOYD, INAABANGAN NA SA SHOW NI WILLIE
ni Nitz Miralles - @Bida | May 30, 2021

In-announce ni Willie Revillame sa Tutok to Win na special guest ang isang magaling na aktor sa special show ng Shopee 6.6 Super Mega Fiesta Live! na gagawin sa Smart Araneta Coliseum sa June 6, 2:00-3:30 PM.
Hindi man pinangalanan ni Willie ang tinukoy na special guest, ang hula agad ng tao ay si John Lloyd Cruz ang kanyang tinutukoy. Ang hindi lang malinaw ay kung live na darating ang aktor o via Zoom ang kanyang guesting.
Baka kasi kinunan na siya nang dumalaw kay Willie sa Puerto Galera nang i-shoot ni Direk Cathy Garcia-Molina ang TVC ng Shopee.
Ang guesting ni John Lloyd sa show ni Willie ay first time rin na mapapanood siya sa GMA-7. Kahit wala siyang gawin at kahit tumayo lang sa kanyang guesting, malaking bagay pa rin ito dahil lalabas siya sa kakumpitensiya ng home network niyang ABS-CBN.
Curious ang mga fans ni John Lloyd kung magiging tulay si Willie para tumanggap siya ng offer sa GMA-7.
Si Director Frasco Mortiz, nasa GMA na dahil kay Willie. Next kaya si John Lloyd na lilipat sa Kapuso Network?





Comments