top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

First time ginawa ng aktor, madir shocked… DANIEL, NAPASAYAW NI GARDO SA TIKTOK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 9, 2020
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 9, 2020



Hindi inaasahan ni Gardo Versoza na papayag sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na makisayaw at maki-TikTok sa kanya. Nakumbinse ng aktor ang KathNiel habang nasa taping sila ng The House Arrest of Us na pinagbibidahan ng dalawa.


Nang i-post ni Gardo ang pagsasayaw nilang tatlo ay nag-viral agad ito at ang daming naaliw.


Kuwento ng tinaguriang TikTok King sa Magandang Buhay, “Actually, nahihiya pa ako sa kanila nu’ng una. Tapos, nilapitan ko si DJ. Sabi ko ‘Deej, Cupcake (term of endearment niya sa mga ka-close niya), may ilalambing sana ako sa iyo.’ So, napaisip siya, akala niya siguro, kung ano ‘yun.


“Sabi ko, ‘Baka puwede ko kayong makasama sa TikTok?’ ‘Naku Tito!’ Biglang dumistansiyang konti (si Daniel). Sabi niya, ‘Parang babaligtad yata ang sikmura ko.’ Sabi ko, ‘Kaya mo ‘yan.’ Sabi ko, ‘Simple lang, hindi naman ‘yung complicated, eh.'”


Nang ipakita raw niya kay DJ ang sayaw, sabi ng aktor, "Tito, teka lang, buwelo lang ako."


At ‘yun na nga, tulad ng nakita natin sa video, biglang sumingit nga si Daniel habang nagsasayaw sina Gardo at Kathryn at gumiling-giling na ang aktor.


Dahil napakaraming naaliw sa video, especially ang KahtNiel fans, napakaraming nagri-request ngayon kay Gardo na masundan pa ang TikTok niya kasama ang dalawa.


“Hindi ko masabi, naku pahirapan ‘yung lambing na ‘yan. Sabi ko nga, priceless ‘yung Tiktok na ‘yun nina DJ,” sey ni Gardo.


Maging ang nanay ni Daniel na si Karla Estrada ay aminadong shocked sa pagsasayaw ng anak.


“Kasi, first time niya ‘yan,” sabi ni Karla.


Pero na-happy naman daw siya nang makita ang TikTok dance ng anak with Gardo dahil matagal na raw niyang kaibigan ang aktor, pati na ang ibang co-stars ni DJ tulad nina Dennis Padilla at Ruffa Gutierrez, kaya natutuwa siya na magkakasama ang mga ito sa isang proyekto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page