top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Finalist na ang Cool Smashers, Crossover, kumakampanya pa

BULGAR
Apr 4, 2022
2 min read

ni Gerard Arce / VA - @Sports | April 4, 2022



Muling nakausad sa championship round ang Creamline Cool Smashers matapos pabagsakin ang utol na Choco Mucho Flying Titans sa bisa ng 3-to-1 sets sa iskor na 23-25, 25-19, 25-18 at 25-15 sa uminit na laban sa Game 2 ng best-of-three semifinal series sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa a Mall of Asia Arena kahapon sa Pasay City.



Nagtulong-tulong ang three-headed monster ng Creamline na sina Tots Carlos, Jema Galanza at Alyssa Valdez para pangunahan ang atake ng koponan. Humataw ng 18 puntos (16 attacks, 1 block, 1 ace) si Galanza kasama ang 15 excellent digs na naging mabisang sandata ng Cool Smashers sa mga importanteng atake, habang pinangunahan ni Carlos ang puntusan sa 23 (19pts, 3 ace, 1 block), gayundin ang 5 excellent receptions ni Valdez sa 17pts. May 14pts ang Flying Titans kay Kat Tolentino at 13 pts kay Des Cheng na nabigong makapasok muli ng finals sa ikalawang sunod na pagkakataon kontra Cool Smashers.

“Nag-training lang kami ng mabuti at binasa namin yung kalaban at yung tiwala ko sa sarili ko kase last game medyo off, pero ngayon sabi ko babawi talaga ako at saka gusto kong pumasok kami sa finals,” wika ni Jema Galanza sa post-game interview sa kanya. “Kapag nakikita ko yung teammates ko na masaya na andun yung tiwala nila sa akin na nabibigay ko talaga yung lahat. Tingin ko pinag-aralan nila kami at talagang malakas ang Choco Mucho at mga bata pa.”

Samantala, ang lakas ng laro ni Dindin Santiago-Manabat para sa Chery Tiggo ang tumalo sa Black Mamba Army sa five-set war. Ginapi ng Crossovers sa two-set lead at nanlusaw sa fifth set para kunin ang 25-15, 25-20, 20-25, 23-25, 15-12 win sa classification phase. Nakagawa si Santiago-Manabat ng 32 points, 26 kills, three aces at three blocks. Dumagdag si Mylene Paat ng 22 points para sa kabuuang 64 kills ng Crossovers sa game. Ang panalo sa BaliPure sa Martes at makatitiyak ng 7th place para sa Crossovers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page