top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Final answer, wala na talagang balikan… ANDREA, DEDMA SA BIRTHDAY NI DEREK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 9, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 9, 2020




Birthday ni Derek Ramsay noong Lunes (Dec. 7), kaya nag-abang ang mga netizens kung makakaalala man lang na mag-post ang ex-GF niyang si Andrea Torres ng birthday greetings para sa aktor.


Pero, lumipas ang maghapon nang walang pagbati para kay Derek. Dinedma na siya nang tuluyan ni Andrea at 'yun ang senyales na tinapos na nga ng aktres ang anumang ugnayan nila.


Nabigo ang mga fans na umaasam na posible pang magkaayos ang dating magkasintahan.


Sa kanyang 43rd birthday, ang pamilya at malalapit na kaibigan lang ang kasama ni Derek na nag-celebrate. Binati rin siya ng kanyang mga co-actors na sina Ogie Alcasid at Daniel Matsunaga.


Depensa naman ng mga nagmamalasakit kay Andrea Torres, bakit pa mag-e-expect ang lahat na babatiin ng aktres ang dating nobyo gayung sobra nga siyang nasaktan sa kanilang paghihiwalay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page