ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 1, 2023
Kahit kalat na kalat na sa lahat ng sulok ng showbiz, hindi pa rin maamin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hiwalay na sila ngayon. At tiyak na may kaugnayan ito sa mga product endorsements nilang tinanggap.
Paano nga naman magiging epektibo ang endorsement kung hiwalay na ang tambalang KathNiel?
Kaya may damage control ngayong nagaganap. Todo-deny si Karla Estrada (mommy ni DJ) na diumano ay siya ang nagsabi sa ilang kaibigan na break na ang KathNiel.
At may mga bali-balita rin na diumano ay namasyal-dumalaw sa bahay nina Karla Estrada si Kathryn para sa muling pagkikita nila ni Daniel.
Pero, hanggang doon lang siguro ang puwede nilang gawin na damage control.
Ayon sa ilang loyal fans ni Kathryn, wala nang balikan na magaganap pa. Never again at tuluyan nang inilibing ni Kathryn ang kanilang relasyon ng dating nobyo.
Siguro, magsasalita rin si Kathryn kapag tapos na ang kontrata ng KathNiel sa mga tinanggap nilang endorsements.
Comments