top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Filipinas, tangkang bumawi sa Swiso sa FIFA World Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 19, 2023




Laro ngayong Biyernes – Dunedin Stadium

1:00 p.m. Pilipinas vs. Switzerland


Bago ang kanilang makasaysayang paglahok sa 2023 FIFA Women’s World Cup, nag-alay ng patikim ang Philippine Women’s Football National Team sa kanilang huling friendly bago ang opisyal na torneo, isang 1-5 na talo sa Sweden sa Wellington noong Lunes.


Kahit bigo, malaking bagay ang naka-goal ang #49 Filipinas laban sa #3 koponan sa buong daigdig.


Matagal na nagkasundo ang dalawang bansa na hindi papapasukin ang mga tagahanga at hindi ilalabas sa publiko ang mga detalye maliban sa huling iskor. Ang Sweden ay pumangalawa noong 2003 World Cup at pumangatlo noong 1991, 2011 at sa huling edisyon noong 2019.


Pangungunahan ang kampanya ng Filipinas ni kapitana Tahnai Annis na itinuturing na karangalan ang mabigyan ng mahalagang papel. Umani ng maraming papuri ang koponan sa kanilang unti-unting pag-akyat mula ika-68 patungo sa kasalukuyang ika-49 sa gabay ni Coach Alen Stajcic.


Itinalaga si Coach Stajcic noong Oktubre, 2021 at sa loob ng mga sumunod na buwan ay nakapasok ang Filipinas sa World Cup sa bisa ng kanilang makapigil-hiningang penalty shootout laban sa Chinese-Taipei sa quarterfinals ng 2022 AFC Women’s Asian Cup India pagsapit ng Enero. Sinundan ito ng tanso sa 31st SEAG sa Vietnam noong Mayo at tinuldukan ng kampeonato sa 2022 AFF Women’s Championship sa Rizal Memorial Stadium noong Hulyo.


Kinuha ng Filipinas ang maglaro sa mga friendly tuwing sasapit ang mga FIFA Window. Sila ang naging unang Pinay na koponan na nakapaglaro sa Europa at Hilaga at Timog Amerika kontra sa mga bansang nakakataas sa kanila para sa kabuuang 30 laro noong 2022 pa lang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page