top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

FIL-Canadian Fernandez, pasok sa semis ng U.S. Open

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2021
  • 1 min read

ni MC - @Sports | September 09, 2021




Umabante na sa semifinals ng US Open ang kaliweteng 19-year-old na si Fil-Canadian Leylah Fernandez matapos gapiin si fifth-seeded Elina Svitolina ng Ukraine 6-3, 3-6, 7-6 (5).


Sunod na haharapin ng ranked 73rd na si Fernandez, sumasabak sa kanyang unang Grand Slam semifinal, ang mananalo sa laban sa pagitan nina No. 2 seed Aryna Sabalenka ng Belarus sa Biyernes.


Isa na namang upset win ang naitala ni Fernandez, na ang ama ay isang Ecuadorian at ang ina ay Filipina, pero hindi na umano nagulat ang marami dahil una na nitong giniba si 4-time major champion Naomi Osaka sa third round at 3-time Grand Slam winner Angelique Kerber sa fourth.


Kitang-kita na walang nararamdamang pressure ang walang takot na Canadian matapos itong magwagi sa huli nitong laban upang makapasok sa final four ng prestihiyosong event.


Ikinagulat din ng isa sa best player sa US Open na si Svitolina ang kanyang pagkatalo kontra sa 73rd-ranked teenager. Ipinakita ni Fernandez na hindi siya ordinaryong teenager matapos rumehistro ng serye ng upset dahilan upang maging paborito ito sa US Open.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page