Fil-Am Miller, qualified na sa Beijing Winter Olympics
- BULGAR
- Dec 22, 2021
- 2 min read
ni MC - @Sports | December 22, 2021

May pambato na muli ang Pilipinas sa katauhan ni Filipino-American skier Asa Miller sa 2022 Beijing Winter Olympics sa Pebrero 4 hanggang 20.
Pormal nang inanunsiyo kahapon ni Miller sa kanyang Instagram post ang kuwalipikasyon niya sa Winter Games. "Hi everyone! I’m extremely excited to announce that I’ll be making my second Olympic appearance in Beijing 2022! Big thank you to everyone who’s helped me on my skiing journey so far," ani Miller sa kanyang post.
Babanat si Miller sa slalom at giant slalom events ng skiing. Si Miller ang nag-iisang Pinoy skier na sumabak noong 2018 PyeongChang Winter Games kung saan tumapos sa sa 70th place sa giant slalom event.
Nitong Nobyembre ay nakamit ni Miller ang ikalawang sunod na minimum qualification para sa Winter Olympics sa Beijing. Pero pormal na iaanunsiyo ng International Skiing Federation (FIS) ngayong Disyembre ang kuwalipikasyon niya, ayon kay Philippine Ski and Snowboard
Federation (PSSF) President Jim Palomar Apelar.
Ayon kay Apelar, ang 21-anyos na si Miller ay hindi na kataka-takang may bagong sorpresa sa kanyang performance sa Beijing, matapos ang Pyeongchang 2018. “Ever since he became one of our athletes and he qualified for Pyeongchang and now Beijing, he really progressed very well,” ani Apelar. “He worked very hard in improving himself not only to get by the qualification standard. He is way better now than last Olympics.”
Si Miller na isinilang sa Portland, Oregon kung saan ang kanyang ina na si Polly Bisquera ay mula sa Santa Cruz, Manila, ay napili ng PSSF imbes na si Filipino-American Brandon Leitner na isang 17-year-old din na skier dahil bata pa itong huli para sa Winter Games.
Mapapasabak si Miller kontra 150 pang mga skiers mula sa ibang bansa sa Winter Olympics para slalom at giant slalom events.





Comments