Fiance, para 'di na umatras… KRIS, BEHAVE NA, TIKOM ANG BIBIG SA DETALYE NG KASAL
- BULGAR
- Oct 27, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 27, 2021

Natutuwa ang mga fans at supporters ni Kris Aquino dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang kanyang 'the one', ang kanyang Mr. Right na makakasama habambuhay.
Nag-propose na sa kanya ang dating DILG secretary at congressman na si Mel Senen Sarmiento, at tinanggap naman ito ni Kris.
Isang tahimik at pribadong tao si Sec. Mel kaya nagbe-behave si Krissy at hindi muna nagpo-post sa social media tungkol sa detalye ng kanilang pagpapakasal, dahil baka nga maudlot pa kapag 'di niya sinunod ang usapan nila.
Ang tanging nai-post ni Kris sa kanyang IG account ay ang tungkol sa proposal ni Mel.
Para ito sa kanyang mga fans na nagtatanong ng latest updates sa kanyang buhay. Matagal-tagal din kasi siyang nanahimik sa kanyang social media account.
Para sa mga kaibigang nagmamalasakit kay Kris, makakabuti sa kanya ang magpakasal na at magkaroon ng life partner na kanyang masasandalan at makakaramay.
Maging ang anak niyang si Bimby ay botong-boto kay Senen Sarmiento.
Ang yumaong pangulo na si Noynoy Aquino ang naging daan upang magkakilala si Kris at ang dating DILG secretary.
Sa taong handang tanggapin si Kris ipinagkatiwala ni Noynoy ang kanyang bunsong kapatid!





Comments