Fiance, nahuli raw na may ibang babae… KRIS, UMATRAS NA SA KASAL
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 14, 2021

Close si Kris Bernal sa kanyang future mother-in-law, ang nanay ng kanyang fiancé na si Perry Choi. Kaya with Perry's permission-approval ay sinubukan niyang i-prank ang kanyang magiging biyenan para malaman ang magiging reaction nito nang ipaalam niya na makikipaghiwalay na siya kay Perry at hindi na matutuloy ang kanilang kasal.
Todo-emote pa si Kris with matching hagulgol nang tawagan ang kanyang soon-to-be mother-in-law para sabihin na nakipag-break na siya kay Perry dahil nahuli niya itong may ibang babae.
Todo-acting din si Perry Choi na nagpapaliwanag kuno kay Kris na hindi totoo ang ibinibintang sa kanya ng fiancée.
Maging ang mom ni Perry ay paulit-ulit na nagsabi kay Kris na kilala niya ang kanyang anak at hindi nito magagawa na lokohin si Kris.
Pero, kung nakapagdesisyon na raw si Kris na makipaghiwalay na kay Perry ay wala siyang magagawa upang pigilan ito sa desisyon.
Well, sa bandang huli ay umamin at ipinagtapat na rin ni Kris Bernal sa mommy ni Perry na prank lang ang lahat at hindi totoo na umatras na siya sa kasal.
It seems botong-boto kay Kris ang kanyang future mother-in-law at magkasundo sila. Masuwerte si Kris dahil mabait at very supportive ang kanyang magiging biyenan.





Comments