Feeling Superman daw… PACQUIAO, BABAWIIN ANG NATALO SA ELEKSIYON, BALIK-BOXING
- BULGAR
- 3 hours ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 24, 2025
Photo: Team Pacquiao
O, ayan na nga. Mayroon nang July 19 na playdate ang pagbabalik-boxing arena ni Manny Pacquiao.
Makakalaban ni Manny si WBC Welterweight Champion Mario Barrios sa MGM Grand sa Las Vegas, USA.
Mismong sa Facebook (FB) account ni Manny inilabas ang balita kaya naman samu’t sari na naman ang mga bashing na inabot ng itinuturing na Pambansang Kamao.
Siyempre pa, lahat ng mga nega opinion ay may kinalaman sa paghahangad muli ng ‘pera’ ni Manny na gaya nga ng mga balita ay tila raw nauubos na.
Sa pagkatalo ni Manny sa muling pagpalaot nito sa pulitika kamakailan, marami talaga ang nagsabi na magbabalik-boxing ito dahil ito ang ‘easiest way’ upang maibalik niya ang kanyang pagiging economically rich.
Hindi na raw ito usapin ng fame or honor dahil once na ma-prove niyang keri pa niyang manalo, kusang lalapit daw ang mga economic opportunities mula sa mga endorsements hanggang sa iba pang pagkakakitaan.
Ang boxing world naman ay parang hindi na ganu’n ka-excited sa naturang match. May mga nagsasabing hindi madaling laban ang gagawin ni Manny at tila madaling makakalimutan ng kasaysayan ang mga previous victories niya.
Meron pa ngang nagpayo sa boxer na magpa-check-up na ito ng utak dahil mukhang sobra na raw itong naalog at naapektuhan para ipagpalagay niyang isa siyang ‘Superman’.
Balik-Freddie Roach at Buboy Fernandez training si Pacman na sinasabi rin ng mga new gen of boxing fans na dapat din ay nag-retire na.
Well…
PINAG-UUSAPAN ngayon ang naging matinding pagbuhos ng emosyon ni Alden Richards.
Matindi dahil first time na nagsalita ang aktor sa kondisyon ng kanyang mental health na noong 2024 nga raw sumadsad nang grabe. As in ‘rock bottom’, ayon pa sa deskripsiyon ni Alden.
Siyempre pa, marami ang naalarma sa ibinahagi ni Alden dahil isa nga naman siya sa mga kilalang personalities na may maituturing na most successful career sa showbiz.
Sa likod pala ng mga magagandang ngiti at tawa na ‘yan ay nakatago ang isang bahagi ng emosyon at pag-iisip ni Alden na konektado sa depresyon.
Isang napakahirap na sitwasyon na nangangailangan ng expert in the field para mai-address nang tama.
Grabe rin ang pagkagulat ng lahat nang kuwestiyunin ni Alden na bakit daw kasi dapat na i-equate sa pagkakaroon ng love life ang kaligayahan o kasiyahan ng isang tao?
Hmmm… marami na rin kaming mga nakitang personalidad o kahit mga ordinaryong tao na hindi agad-agad nako-contain ang mga ganyang isyu sa sarili. ‘Yun bang kapag nasa work ka o nasa harap ng mga tao, may naipapakita kang ibang parte ng pagkatao mo, and yet, kapag nag-solo ka na lang, doon na lahat naglalabasan ang mga tanong kung masaya ka ba talaga o may mga tanong na hindi mo masagot.
‘Yung mga biglaang atake ng anxiety, ng kalungkutan, ng belongingness and the like, yes, mental issue nga ‘yun na hindi dapat balewalain.
KAYA hahangaan mo rin ang isang gaya ni Nadine Lustre.
Sure kaming matindi rin ang epekto sa kanya ng mga nega comments and bashing kaya naman minarapat na niyang sampahan ng kaso ang mga gumagawa nito sa socmed (social media).
Pormal na ngang nag-file si Nadine ng kasong paglabag sa Safe Spaces Act laban sa ilang indibidwal at grupong umaatake sa kanya.
Ayon pa sa aming napag-alaman, ang Safe Spaces Act o Republic Act No. 11313, na kilala rin bilang Bawal Bastos Law ay batas na naglalayong protektahan ang bawat indibidwal laban sa gender-based sexual harassment sa iba’t ibang lugar — kabilang ang mga pampublikong espasyo, paaralan, lugar ng trabaho, at online platforms — mula sa anumang uri ng pang-aabuso o pambabastos.
Wala kaming mga nakuhang pangalan o grupo ng mga tao na specifically sinampahan ng kaso ni Nadine, pero malalaman daw natin in the coming days ang mga update hinggil dito.
No less than si incoming Mamamayang Liberal (ML) Partylist representative Leila de Lima ang unang nagpahayag ng suporta sa aksiyon ni Nadine, pati na rin ang iba pang mga nag-iisip na ring ‘sampulan’ ang mga bullies sa socmed at iba pang sakop ng Bawal Bastos Law.
Comentários