top of page

‘Di raw tatakbong VP… “KAHIT EX-CON AKO, MERON PA NAMAN AKONG DELICADEZA” — SEN. ROBIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 24, 2026



Robin Padilla

Photo: Robin Padilla / File



“Kahit po ako’y isang ex-convict, meron pa naman po akong delicadeza,” ang pahayag ng pulitiko-aktor na si Sen. Robin Padilla sa kanyang social media post.

Saad niya, “Assalamu alaikum.


“Ako po ay humihingi ng tawad sa Allah at paumanhin sa mga kapatid na Muslim at ako’y nawala sa espiritu ng Ramadan. Ganu’n din sa aking asawa dahil oras ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na lola.


“Nais ko lang po iparating sa inyo sa mahusay na pananalita at liham na wala po akong balak na kumandidato na bise-presidente. ‘Wag po ninyo ako itulad sa ibang pulitiko na nakikipagsagasaan dahil sa sariling mataas na ambisyon.


“‘Di po ako pulitiko pero marunong po akong sumunod sa partido. PDP-Laban chairman po si Rodrigo Roa Duterte at ako ay dating pangulo at ngayon ay miyembro ng partido.


“Sana po ay maintindihan ninyo ang patakaran ng isang partidong pulitikal na sinusunod at tanging chairman lamang ang magdedesisyon kung sino at ano ang tatakbuhin ng isang miyembro, lalo ang isang nakaupo na sa isang national position.


“Muli, ako po ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga Muslim. Sa aking asawa, Assalamu alaikum wa rahmatullahi wa barakatuhu (Peace be upon you, and the mercy of Allah, and His blessings).”


Well, paano naman kaya kung madlang pipol na ang humiling na tumakbo si Sen. Robin bilang vice-president? Ano kaya ang isasagot niya?

Pakihulaan nga, Madam-Damin.


Wa alaikum assalam wa rahmatullahi wa barakatuh (And upon you be peace, the mercy of Allah, and His blessings), Sen. Robin.



SUPER-PROUD ang Unkabogable Icon na si Vice Ganda nang magbahagi siya ng larawan ng kanyang mister na si Ion Perez na nagpapakita na pagod ito ngunit matagumpay dahil may suot na medalya mula sa isang 120 km na biyahe.


Ibinahagi ni Vice ang nakakaantig na mensahe para sa kanyang loving husband na si Ion matapos ang matagumpay na cycling event na sinalihan nito.


Sey ni Vice, “You wanted it. I worked hard for it. And you made it.

“I see the battles you silently face everyday. I root for you. Even if it’s really hard, you always choose to get up and try.


“You are winning, babe. You are winning. And I am very, very proud of you. I love you so much, Noi ko.”


Sa comment section ng post ni Vice ay nagpahayag ng saloobin ang host ng It’s Showtime (IS) na si Ion Perez.


Sey ni Ion, “Maraming salamat sa love and support mo, asawa ko (Vice). I love you.”

Sey naman ni Vice, “You are worth it, babe.”

Good job, Ion Perez, and congratulations.



“SANA magka-baby para may boy kami. Tapos sana, April din ipanganak, para ang pangalan, ‘April Boy.’ Char, char (joke) lang!” ang simpleng hiling ng mahusay na komedyanang si Melai Cantiveros. 


Pero pagdating daw sa pagkakaroon ng pangatlong anak, ang desisyon ay hindi lang basta nakasalalay kay Melai at mister na si Jason Francisco. Isinasama raw nila sa pagdedesisyon ang mga anak na sina Stela (panganay) at Mela (bunso).


Aniya pa, “Wini-wish ko rin na magka-baby pero si Jason kasi hinahayaan n’ya na magustuhan ni Stela. Kasi kumbaga, para sa kanya, ‘di lang kami ang magdedesisyon, magdedesisyon din ang mga magkakapatid. Kung gusto mo na, gagawin na namin ni Papa mo. Pero kung ‘di mo pa gusto because part ka rin ng family, dapat isa ka rin sa magdesisyon. Eh, ayaw pa ni Stela.”


Samantala, kahit hindi pa nagbibigay ng kanyang go signal ang anak nilang si Stela sa hiling ni Melai na baby boy ay masaya at kuntento raw ito sa kanilang pamilya. Nang matanong nga sa wish niya nitong nagdaang kaarawan ay ito ang nasabi pa ng komedyana.


Pahayag ni Melai, “Wala na ‘kong wish na mga bagay. Ang wish ko talaga is i-sustain ako ni Lord ng wisdom. Ang pinaka-wish ko, maibigay sa akin ni Lord para sa daily journey sa life.”

Kung gusto n’yo pang magka-baby ni Jason, why not? Go, go, go, girl!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page