Feeling bagets… ZOREN, NAG-K-POP HAIRSTYLE, 'DI TANGGAP NG FANS
- BULGAR
- Dec 19, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 19 , 2021

Tanggap ni Zoren Legaspi na mas magaling umarte sa kanya ang kanyang wifey na si Carmina Villarroel.
Magkaiba sila ng acting technique kaya kadalasan, kapag nasa set siya ng seryeng kanyang ginagawa ay nakahiwalay siya at nag-i-internalize ng kanyang character.
Mas technical daw ang acting method na ginagawa ni Zoren. Kaya naman ayaw niya nang maingay sa set. Hindi raw siya katulad ni Carmina na kahit na super chika at tawa nang tawa 'pag nasa set, kapag sinabi na ng direktor na "Actors in!” ay changed character agad at seryoso na.
Kaya naman nakiusap si Zoren kay Carmina na rito sa The End of Us na handog ng Stories from the Heart, hayaan muna siya dahil may gusto siyang baguhin sa kanyang acting technique.
Gustong patunayan ni Zoren na puwede siyang mag-level-up as an actor. At tiyak na 'yun ang aabangan ng mga viewers sa kanya.
Samantala, napansin lang ng mga viewers na nakapanood ng teaser ang bagong hairstyle ni Zoren sa The End of Us. Para raw itong bagets na K-Pop actor dahil sa kanyang bangs. Mas gusto pa rin ng mga viewers ang dating formal at clean cut na hitsura ni Zoren Legaspi.
Comments